SEVENTEEN

98 5 3
                                    

(THIS IS UNEDITED, PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS)


"KAYA mo ito Riara, sasabihin mo lang naman sa kaniya tapos uwi na," sabi ko sa sarili bago kumatok ng tatlong beses sa pinto saka ko binuksan.

Medyo hindi ko inasahan ang nakikita ko ngayon. Agad na nahuli ng paningin ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Bumilis bigla ang paghinga ko kasabay ng bilis ng pagkabog nang dibdib, napalunok ako ng mariin nang biglang nagtama ang aming tingin.

Tumigil ang tugtog nang mapansin nila ang presensiya ko, Nakita ko ang gulat at pagkamangha sa kani-kanilang mga mukha.

"Gosh tama ba itong nakikita ko? Riara is here?" si Bettany, nasa kama sila ni Roux habang nakayap siya rito.

Ang mga kaibigan naman nila ay nasa sofa at mukhang nagkakasiyahan sila bago pa ako dumating rito. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig at upos na mga sigarilyo, tila bumaliktad ang sikmura ko sa amoy ng alak at usok na naghalo sa buong paligid.

Muli, humugot ako ng hininga bago magsalita. "May gusto lang akong i-discuss sa'yo, Ferrer," lakas loob kong turan, pakiramdam ko ay ang kapal kapal ng mukha sa pagbanggit palang ng apelyedo niya..

Wala akong nababasang reaksiyon sa kaniyang mukha ngunit alam kong nagtataka siya ngayon kung bakit ako nandito.

"Owzzz...looks like someone has a business here," rinig kong sabi ng isa sa mga kasama nila, tila may panunukso sa tono ng boses nito.

"Wow, why do you even here? Who invited you?" tila namamangha na turan ni Bettany, na para bang nagkahimala na nakita niya ako sa ganitong klaseng lugar. Kahit ako, sa sarili ko ay hindi rin ako makapaniwala na aabot ako sa ganitong sitwasyon.

"Huwag kayong mag-alala, aalis din naman ako agad, may importante lang akong sasabihin sa kaniya," sabi ko.

"Well, whatever you want to tell him, you can tell him right now, in front of us," si Bettany. "I'm sure it's not that important like what you think it is."

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya, lalo pa't iniisip niyang hndi ito importante.

"Shut up Bettany, you're not in the place to decide," si Roux, kumalas ito mula sa pagkakayakap ni Bettany atsaka umalis ng kama, dahil wala itong suot pang-itaas, ay nag-suot muna ito ng t-shirt at kumuha na'rin ng jacket.

"But Roux, seriously? Makikipag-usap ka diyan?" rinig kong pahabol ni Bettany kay Roux.

Hindi siya sinagot nito, nauna na akong lumabas ng kwarto, naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Here, wear this." Inabot niya sa akin ang hawak niyang jacket.

Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba iyon, tinanggap ko na'rin nang unti-unti ko ng nararamdaman ang lamig ng gabi.

"Let's go somewhere quit, masyadong maingay rito."

Tahimik lang ako habang nakasunod lang sa kaniya.

Ramdam ko ang tingin ng mga taong nadadaanan namin, buti nalang at walang nagtanong kung bakit kami magkasama, alam kong takang-taka sila, itong mga ganitong atensiyon ang pinaka-iniiwas iwasan ko sa lahat.

Hindi talaga maiiwasan ang ganitong tagpo lalo pa't isang Roux Jerob Ferrer ang kasama ko kaya wala akong magawa kundi tiisin ang mga titig nila, di bale, ngayon lang naman ito, hindi na nila ulit ako makikitang kasama siya.

Napunta kami sa pinaka likuran ng mansiyon kung saan walang tao at hindi naabot ng tugtog. Tahimik, sing tahimik ng gabi at sing tahimik naming dalawa ngayon. Wala sa sariling napayakap ako sa sarili nang dumaan ang malamig na hanging gabi sa katawan ko.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon