TWENTY-SEVEN

82 5 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

MASYADO akong natigagal sa biglaang pagsulpot ni Raux, kaya tila naiwan sa ere ang dila ko at hindi ko magawang makapagsalita.

Alam kong pati si Ven ay nagtataka na'rin kung anong ginagawa ni Raux dito.

May kutob na'rin ako na may duda na siya na ito ang sagot sa mga tanong niya sa akin.

“Raux...” sa wakas na wika ko pagkatapos ng mahabang sandali.

“Ferrer?”

Mula kay Raux ay lumipat ang tingin ni Ven sa akin.

His eyes are asking for an answer.

Hindi ko kayang tugunan ang hinihingi niya, nanatiling nakatikom ang bibig ko at hinayaang siya na mismo ang makatuklas ng katotohanan.

Matagal na naghinang ang mga mata namin bago ito bumitaw at kwinelyuhan si Raux.

“Ven tama na please,” pagsusumamo ko sa kaniya habang sinusubukan kong kalasin ang kamay niya sa kwelyo ni Raux.

“Anong ginawa mo kay Riara?!”

Walang imik si Raux pero nakikita kong nagtiim bagang siya na para bang pinipigilan din nito ang sariling huwag patulan ang kaharap.

“Ven!” Lumapit ako sa kaibigan ko saka hinawakan ang braso niya bago pa man masuntok si Raux.

“Ikaw ba? Tell me, ikaw ba?!” may panggigil na tanong niya rito.

Hindi nagsalita si Raux, mariin lang itong nakatingin kay Ven.

“Ven please, humanahon ka baka may makakita sa atin dito,” sabi ko.

Buti nalang at gabi ngayon at wala ng masyadong tao na dumaraan dahil kadalasan sa ganitong mga oras ay tulog na ang mga tao rito.

Nag-aalala ako sa kung anong mangyari sa dalawa.

Parehong matangkad ang dalawa, parehong malalaking tao, pero sa lakas at husay sa pakikipaglaban ay lamang si Raux.

Ayokong magdulot pa ng eskandalo ang presensiya naming tatlo rito kaya pinaghiwalay ko na ang dalawa.

Buti naman at bumitaw na'rin si Ven kay Raux nang mapagtantong wala itong balak na patulan siya.

“Huwag dito please. Can we save this talk for some other time?” Hinarap ko si Ven. “Ven, I'm sorry but can you please go? Pangako mag-uusap tayo tungkol dito but not this time.”

“What? Sasama ka ba sa kaniya?”

Hindi agad ako makasagot. Masyado ng magulo ang isipan ko at hindi ako makapag-isip ng mabuti.

Tumiim ang bagang ni Ven bago nagsalita. “Yeah, we really have to talk about this.”

Galit na binalingan ni Ven si Raux.

“Hindi pa tayo tapos Ferrer.”

Ilang sandali pang nagtagisan ng tingin ang dalawa bago tuluyang umalis si Ven.

Ngayon kami nalang dalawa ni Raux ang naiwan dito.

“Let's go inside the car Riara, bago pa may makapansin sa atin dito,” tila may awtoridad na sabi sa'kin ni Raux.

Tahimik ko siyang sinunod.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa kampanya ng papa mo.”

I turned my gaze at him.

Akala ko ay hindi ako kakausapin ni Raux sa buong biyahe.

Ibinalik ko ang tingin sa labas ng binatana nitong sasakyan.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon