NINE

70 4 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

FIVE minutes at magsisimula na ang program. Magsisimula na ang opening ceremony at punong-puno na ang gym ngayon.

Nag-announce na ang emcee na kung maaari ay manatili ang mga estudyante sa kani-kanilang mga pwesto, maliban sa aming mga photo journalizing participants na naatasang kunan ang buong event.

Ang dalawa kong kasama ay nasa may dulo, malapit sa may stage upang kunan ang pangyayari roon habang ako nama’y nasa dulo ng gymnasium.

Mag-iisang oras na at marami-rami na’rin akong nakukunan na mga litrato, karamihan ay mg estudyante ng ULC since sila naman ang topic namin.

I was busy capturing pictures of the group of students who are performing on the stage when suddenly I felt someone’s presence, just at the back of me.

Hindi ko iyon pinansin at inisip na baka isa lang iyon sa mga estudyanteng nakikinood sa event.

Tutok na tutok ako sa ginagawa, nagtagal ang presensiya niya sa likuran ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang mainit nitong hininga sa likurang bahagi ng leeg ko.

“So, you’re one of the participants huh?”

Halos mabitawan ko na ang hawak kong camera sa gulat. Pagkalingon ko’y si Raux pala ang kanina pang nasa likuran ko.

“A-Ah oo,” I said, trying to hide the tense that I felt because he’s so close.

“Mahilig ka palang kumuha ng mga litrato,” sabi niya, saka lang ito lumayo sa akin, ng kaunta, sapat upang ako’y makahinga ng normal.

“Hindi naman, naging hobby ko lang minsan,” ako atsaka muling ibinalik ang atensiyon sa pagkuha ng litrato.

“I saw your name on the list too, pencil rendering?” siya habang ako’y palihim na tinitignan ang paligid kung may nakatingin ba ngayon sa amin.

Good thing at lahat ngayon na nandito ay sa stage nakatuon ang atensiyon. Thanks to the group of students who are having their special presentation on the stage right now.

“Tinry ko lang,” sabi ko. Hindi ko rin aakalain na mapipili ako bilang isa sa dalawang mag rerepresent ng department namin sa pencil rendering.

Tinanaw ko ang kalayuan kung saan nakapwesto ang mga engineering department. “Wala ka sa mga kasamahan mo?” tanong ko.

“Umalis ako saglit, nag-cr, pagbalik ko ay nakita kita rito,” sagot niya.

He seems unbothered, like he doesn’t care if someone saw us talking. Well, wala namang masama pero tulad nga ng sabi ni Ven sa akin, hindi ko hawak ang pag-iisip ng mga tao.

Ayokong makakuha kami ng atensiyon kaya pasimple akong lumayo sa kaniya sa pamamagitan ng pag -iba ko ng pwesto at nakunwa’y may kinukuhang litrato sa di kalayuan.

Akala ko’y babalik na siya sa pwesto ng Engineering department pero naramdaman ko pa’rin na nasa likuran ko siya.

“Pakisabi nga pala kay Ven na nasa akin ang notes niya sa Control Theory,” bumulong ito sa akin na halos pumatid sa paghinga ko.

Bago ito umalis ay naramdaman ko munang dumampi ang tuktok ng ilong niya sa may tenga ko, hindi ko alam kung sinadya niya ba iyon o hindi. Napabuga tuloy ako ng hangin.

Nang lingunin ko siya ay naglalakad na ito palayo, ilang segundo kong pinagmasdan ang likuran niya habang patutungo sa kung saan nakapwesto ang mga engineering students.

“LADIES and gentlemen, esteemed faculty members and my fellow students. We gathered here today for the grand opening ceremony as part of our celebration of diversity, creativity and unity. This week is not just about events and activities…”

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon