TWENTY-TWO

82 4 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

HALOS mapanganga ako habang tinitingala ang katangkaran ni Raux. He still holding the door of the fridge so that I can’t open it again.

“Bakit ka nandito?” tanong ko.

Sa lapit niya sa akin ay ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga.

“Ano bang ginagawa sa canteen?” Binuksan niya ulit ang fridge saka kumuha ng isang soft drink at isang karton ng chocolate milk drink saka pasimpleng inilagay iyon sa kamay ko habang sa kaniya naman ang soft drink.

Ang daya!

“You’re only allowed to drink that,” pasimple niyang bulong sa tenga ko bago lumayo sa akin at pumunta sa counter para bayaran ang kinuha.

Tinignan ko ang binigay niya sa’kin. I like chocolates, but I’m not in the mood to drink one.

My nose crinkled, para akong masusuka pag tingin ko palang sa packaging na may chocolate at gatas. Minabuti ko nalang ibinalik iyon sa loob ng fridge saka kumuha nalang ng bottled water.

“Tapos ka na?” tanong ko kay Ven nang balikan ko siya sa counter.

“Kinikwenta palang, isali mo na’rin iyan dito.” Turo niya sa hawak kong bottled water.

“Sigurado ka?”

Siya na mismo ang kumuha nun sa kamay ko at isinali sa mga babayaran niya.

Ramdam na ramdam ko ngayon ang mariing titig ni Raux sa akin sa di kalayuan. Nang balingan ko ang direksiyon niya ay nakita ko siyang nakikipag-usap sa mga kakilala rito.

Hindi naman masyadong puno itong canteen, madalas ay ang cafeteria ang mas crowded kesa dito pero mas malaki naman ang espasyo dito kaysa sa cafeteria.

“Dami mong pinamili, baka tumaba ka bigla pagka-uwi mo sa inyo,” si Ven sa akin.

Binalingan ko lang ito at sinamaan ng tingin sabay tampal sa malaking braso nito na ikinatawa lang niya.

Nang matapos maikwenta lahat ng cashier ang mga pinamili ni Ven ay umalis na’rin kaagad.

Minabuti na muna naming tumambay saglit sa may open bench since, may thirty minutes pa naman bago ang klase ko.

We decided to have a small chat before we part ways.

“Hindi ka talaga makakarating sa birthday ni papa?” si Ven habang inisa-isang inilalabas ang mga binili mula sa paper bag.

“Hindi eh, next week na kasi yung mid term marami pa akong kailangang tapusin saka may hinahabol din akong deadline,” ako habang binubuksan ang isang pakete ng junk foods at sinimulang kainin iyun.

“Oh, I understand. Di bale ipapa-intindi ko na lang kay papa.”

Nginitian ko siya. “Salamat.”

Sarap na sarap ako sa kinakain ko kaya hindi ko na namalayang kanina pa apala nakatingin si Ven sa akin.

Nagtataka ko siyang tinignan. “May problema ba?”

“Wala naman, pero ngayon lang kita nakikitang sarap na sarap diyan sa kinakain mo, dati ayaw mo ng mga junk foods, mukhang gustong gusto mo talaga yung lasa.”

“Masarap pala siya, nagustuhan ko kasi medyo maasim yung lasa,” sabi ko pa.

Marahan siyang natawa. “Para ka palang naglilihi.”

Napakurap-kurap ako sabay natigilan sa sinabi niya. Ngayon ko lang narealize na baka nga naglilihi ako sa maasim.

“Oh, aalis ka na?” si Ven sa akin nang tumayo ako.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon