EIGHT

68 4 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

THE University week is fast approaching. ULC started recruiting talented and skillful students to participate in some events, skills and sports competition, clashing the different department inside the university.

Naimbitahan akong sumali sa photo journalizing team ng department namin, ang category ay tungkol sa unity and competitiveness ng mga ULCininans.

We have the whole week to take cover all the events and we will start on Monday, that will be next week to cover the opening ceremony.

“So, meeting tayo this Friday para ma-tacle na’tin lahat ng gagawin,” sabi ko sa dalawang kasamahan, since they are a year younger than me, and their senior, ako ang naatasang magli-lead sa dalawa.

Photo journalizing isn’t new to me, I do have an experience since madalas akong sumasali noong highschool sa mga ganitong event at kadalasan ay ito ang sinasalihan ko.

After a long talk, I decided to dismiss them. Pumanta na’rin ako ng faculty upang ireport sa nagha-handle sa amin ang tungkol sa napagplanohan, after she approved ay umalis na’rin ako agad.

“Busy-ing busy ah?”

Inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko sa desk. It was Zaza who sit just next beside me.

As usual ay nandito nanaman ako sa library, tumatambay, since matagal pa bago magsimula ang susunod kong klase.

“Wala ka ng klase ngayon?” tanong ko sa kaniya.

“Wala na, mamaya pupunta ako sa boarding house,” sabi niya. “Balita ko’y sumali ka raw sa pencil rendering.”

Umayos ako ng upo. Aside photo journalizing, I applied myself to join pencil rendering to represent our department.

“Hindi pa sure ‘yun, nasa list pa lang ako ng pagpipilian,” sabi ko. Bukas ang try out ng mga may balak sasali.

Ngumisi ito sa akin. “Akala ko ikaw na ang final na magre-represent sa department na’tin.”

“I’m not sure kung itutuloy ko ba, balak kong hindi pumunta sa try out bukas,” I said as I rest my head on the desk.

“Bakit hindi? Ang galing galing mo kayang mag drawing, tsaka gustong gusto mo naman di’ba? Matagal mo na kayang pinaplano iyon.”

“May photo journalizing ako,” pagdadahilan ko.

“Duhh, jowa nga pwedeng ipagsabay, iyan pa kaya. Sumali ka,” pang-eengganyo niya sa’kin.

“Baka hindi kaya ng schedule ko.”

Zaza rolled her eyes. “Kung gusto, maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan.”

Muli akong umayos ng upo. “Paano kung malaman ni papa.”

“Bakit nandito ba siya?” Luminga-linga pa ito sa paligid na animo’y may hinahanap.

Ako naman ngayon ang napa-irap sa kaniya. “Seryuso ako Za.”

“Seryuso ka naman pala, bakit hindi mo ituloy, tutal try out pa naman di’ba.”

Saglit akong napa-isip sa sinabi niya. She’s right, try out pa naman, wala namang masama kung susubukan ko.

Muli kong ipinatong ang ulo sa lamesa habang si Za naman ay busy kaka-tipa sa cellphone niya. Kung saan saan lumilipad ang utak ko, iniisip ko kung pupunta ba ako bukas o hindi.

Minabuti ko nalang na ituon ang atensiyon ko sa ibang mga estudyante na narito kesa mag overthink sa kung anong gagawin. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon