THIRTEEN

86 3 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

I DIDN’T sleep for the whole night thinking about what happened.

Ilang oras man ang lumipas simula no’ng nangyari iyon sa parking area ng campus ay pakiramdam ko pa’rin na kanina lang iyon naganap.

Sa tuwing pipikit ako ay bumabalik lahat ng nangyari sa amin ni Raux sa loob ng wangler jeep. Nag fa-flash sa utak ko ang mukha niya at parang mababaliw na ako sa totoo lang.

“Huy Riara.” Pinitik ni Za ang daliri niya sa harapan ko.

Doon lang ako bumalik sa reyalidad. Hindi ko na namalayang kanina pa pala ako tulala habang nag aalmusal kami rito sa baba.

“Ewan ko ba diyan kay Riara, kanina pa tulala iyan,” si Cha, isa sa mga boarder na kasama naming nag-aalmusal ngayon.

“May utang ka bang hindi nabayaran at parang problemado ka yata,” si Zaza sabay tabi sa akin ng upo.

Kami lang tatlong naiwan ngayon sa boarding house dahil ang iba’y umuwi muna sa kani-kanilang mga probinsiya, ang iba nama’y nasa part time job nila habang kaming tatlo ang nahuling nagising.

Or should I say, silang dalawa lang ang nahuling nagising dahil hindi naman talaga ako natulog kaya parang lutang ang isip ko ngayon.

“Wala…marami lang akong iniisip na gagawin,” dahilan ko sa kanila.

“Hanggang sa Sabado ba naman ay nag-s-study ka pa’rin? Hindi ba marunong mamahinga ‘yang brain mo?” conyong saad ni Cha sa akin.

“Hindi ka na nasanay diyan, kahit siguro magka giyera ay bitbit parin niyan ang libro niya,” segunda ni Za.

Hindi na ako sumabat sa usapan nila at mas pinagtuunan ng pansin ang pag-ubos ng pagkain ko sa pinggan.

“Nga pala kamusta naman ‘yung pa-party ng ULC kagabi?” tanong ni Cha sa kalagitnaan ng pagkain.

“Si Ri ang tanongin mo riyan, minalas kasi ang puwet ko kagabi, nagka-LBM ako kaya hindi ako nakapunta, hindi na’rin ako humabol, wala na’rin ako sa mood eh,” si Zaza sa mapait na tono ng boses.

Matagal nanahimik ang dalawa habang ako’y abala sa pagkain. Naramdaman kong siniko ni Zaza ang tagiliran ko nang wala sa kanila ang atensiyon ko.

Takang tinignan ko ang dalawa. “Bakit?”

“Ano raw nangyari sa University Night kagabi,” si Zaza sa akin.

Si Cha nama’y nasasabik na marinig ang iku-kwento ko. She’s from the other school, pangarap nitong pumasok sa ULC ngunit hindi ito nakapasa sa entrance exam.

Sapilitan kong nilunok ang kinakain. Ano bang iku-kwento ko sa kaniya? Yung nangyari sa parking area? Well, of course, I can’t mention that to them.

“O-Okay naman,” nasabi ko nalang bago iniwas ang mga mata kay Cha at yumuko sa kinakain.

“Okay lang?” taas kilay na tanong sa akin ni Cha. “Seryuso?”

“Hindi rin kasi nagtagal do’n si Ri, maagang umuwi ‘yang gaga, sumama rin kasi yung pakiramdam niya,” Za saves me. “Di’ba Ri?”

Tumango-tango ako. “A-Ah oo,” sang-ayon ko.

“Ang malas niyo naman, sabay pa talagang sumama yung pakiramdam niyo,” si Cha atsaka nagpatuloy nalang sa pagkain nang wala rin namang makakalap na kwento mula sa’kin.

“Kaya nga kami magpinsan,” sang-ayon naman ni Zaza sa kaniya.

Pagkatapos naming mag-agahan, well in fact it’s almost a lunch, ay pumasok na ang dalawa sa kwarto habang ako nama’y nagpaiwan sa baba, sa may visitor’s area.

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon