THIRTY

99 5 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

NANINIBAGO ako sa paligid nang magmulat ako ng mga mata.

Agad kong napansin ang isang kasambahay na iginigilid ang malalaking kurtina ng kwarto.

Sumusilaw sa mga mata ko ang kalinawagan ng umaga.

Doon ko lang napagtanto na nahuli na pala ako ng gising.

“Hala!”

Agad kong hinanap ang cellphone ko. Kinakapa-kapa ko ang kalakihan ng kama, hindi ko mahanap ang cellphone ko. Hindi ko maaalala kung saan ko iyon nailagay kagabi bago ako natulog.

“Ano pong hinahanap niyo?”

Lumapit sa akin ang kasambahay.

“Hindi ko ho kasi mahanap ang cellphone ko, anong oras na po pala?” tanong ko sa may edad na kasambahay.

“Alas Nueve na po ng umaga, iyon po yata ang hinahanap niyo.” May itinuro ito sa bedside table.

Agad kong sinundan ang itinuro niya at nakita ko nga ang hinahanap.

In-on ko iyon at nakompirma ngang mag aalas-Diyes na pala ng umaga.

“Arrgh... I'm late,” nasabi ko nalang.

“Pinapasabi nga po pala ni Raux sa inyo na nagpadala ho siya ng excuse letter sa eskwellahan tsaka binilin niya rin ho sa akin na pababain kayo para makapag-agahan,” sabi nito sa akin.

I blinked twice. Pansin kong diritso nitong binanggit ang pangalan ni Raux, ibig sabihin ay hindi na ito bago sa pamilya ng mga Ferrer.

“Salamat po.”

Ngumiti naman ito sa akin ng magaan. “Hinanda ko na pala yung bath tub ninyo sa banyo, habang naliligo kayo ay ihahanda ko na'rin ang susuutin niyong damit.”

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

“Ah hindi na po kailangan-”

Iginiya niya ako patayo. “Ayos lang, trabaho ko ito, o siya't maligo na kayo at kanina pa po kayo hinihintay ni Channa sa ibaba.”

Wala na akong magawa ng siya na mismo ang naghatid sa akin pabanyo.

Nang matapos kong linisan ang buong katawan ay lumabas na ako, wala na'rin ang matandang kasambahay pagkalabas ko ng banyo.

Nadatnan ko nalang ang iniwan nitong damit na susuutin ko sa ibabaw ng dressing steel.

Habang bumababa ako sa engrandeng hagdanan ay napaisip ako kung saan pumunta si Raux.

Naalala kong sa kwarto niya ako natulog kagabi. Dahil sa pagod ay nauna akong natulog kesa sa kaniya kaya hindi ko alam kung tumabi ba ito sa akin sa pagtulog.

Iginiya ako ng isang katulong papunta sa likod nitong mansion. Dinala nito ako sa isang Pavilion gazebo ng lawn.

Hindi ko mapigilan ang sariling mamangha nang bumungad sa aking mga mata ang ganda ng lugar.

Mula rito ay tanaw na tanaw ko ang kabuuhan nitong lawn, at sa pinaka dulo naman ay ang prairie at sa likod n'un ay mga bundok.

“Riara here.” Kinawayan ako ako ni Momay sa may gazebo.

Nakangiti akong lumapit sa kaniya.

Pinaupo ako nito para masimulan ko na ang pagkain.

“Pasensiya na na-late ho ako ng gising,” panimula ko.

“Hindi ka na namin ginising hija dahil alam naming napagod ka lalo na ngayon na naninibago ka pa rito.”

Ngumiti ako. “Oo nga po eh, ang laki at ang lawak pala rito.”

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon