THIRTY-THREE

97 5 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

NAGPATULOY ako sa pagsasalita.

“Kahit hindi mo sabihin, alam kong pinipilit mo lang ang sarili mo sa'kin. Raux, you don't have to do all of these, just because of the baby.”

Nakita kong napahilamos siya ng mukha.

“I don't understand what the fuck do you mean Riara! Bakit ka ba nagkakaganito huh? Is it just because of that pregnancy hormones?”

“No!” agap kong sagot sa kaniya. “Hindi ito tungkol sa hormones ko Raux! Sinasabi ko lang yung nararamdaman ko para marealize mo na...”

“Marealize na ano Riara?”

“Marealize mo na...” Lumikot ang mga mata ko sa paligid, hindi alam kung anong idudugtong.

“Riara.”

“The bottom line is you're getting married Raux.”

“What?!” Mas lalong gumulo ang reaksiyon ng kaniyang mukha. “Saan mo naman nanggaling iyan?”

Hindi ko siya sinagot. Malabo na ang mga mata ko dahil sumasabay sa agos ng ulan ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha ko.

“Riara, diritsohin mo ako. What is really the problem?”

“Itong nararamdaman ko!”

Tila natigilan siya.

I sobbed. “Hindi ko dapat maramdaman ito kasi sa simula palang mali na talaga eh.”

“Riara...” He took a step closer to me.

I step back.

“Malinaw naman sa akin na yung bata lang ang habol mo kaya mo ito ginagawa Raux pero...pero kasi hindi ko napigilan eh, sinubukan ko namang pigilan pero iba ang pinaparamdam mo sa'kin. I can't help but to assume na baka pwede...”

Hindi ko mabasa ang iniisip niya ngayon, dahil na'rin siguro sa matinding ulan at lamig ng paligid.

Kung ano man ang iniisip niya ay wala na akong pakialam pa, ang gusto ko lang na mangyari ay ang sabihin sa kaniya lahat ng mga kinikimkim ko sa dibdib.

“Kaya nang malaman kong matutuloy yung kasal niyo ni Bettany ay nasaktan ako...kahit na hindi ko naman dapat maramdaman iyon kasi responsibilidad mo lang ako pero...”

Napatakip nalang ako ng mukha at humagulhul ng iyak. Hindi ko masabi-sabi sa kaniya ng diritso ang mga gusto kong sabihin dahil pinangungunahan ako ng nag-uumapaw kong emosyon.

“Riara.” He took a step closer again but I step back twice.

“I've fallen in love Raux!”

Nang makaipon ng sapat na lakas ng loob ay sa wakas, nagawa ko ring harapin siya, tignan siya sa mukha at sabihin iyon sa kaniya.

“...with you,” I added.

Wala pa'rin akong nakikitang emosyon sa kaniya, kung nabigla ba siya sa pag-amin ko o hindi ay hindi ko masabi.

Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko nalang na tuluyang tangayin ng malamig na hangin ang hiya at pawiin ng ulan ang mga emosyong kinikimkim ko.

Ang importante ay nasabi ko na'rin sa kaniya.

Wala akong pagsisisi sa ginawa. Mas mabuti na'rin na nasabi ko sa kaniya kesa pagsisihan kong hindi ko ginawa ito balang araw.

Hinintay ko kung anong sasabihin niya sa akin.

Hinanda ko na'rin ang sarili sa posibleng sasabihin niya.

If he'll reject my feelings or not, it's okay...

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon