SEVEN

76 2 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

WE WERE having a dinner outdoor, here in our gazebo, together with tito Cesar, tita Eris and tita Ellise.

Nakisalo na’rin sa amin ang dalawang kaibigan at taga suporta ni papa na kapwa enhinyero at politiko, dumating ito galing sa kani-kanilang probinsiya para lang daluhan at suportahan si papa.

Masaya nilang ikinu-kwento ang mga masasaya nilang karanasan noong sila’y nasa kolehiyo habang kumakain. The night became livelier with their laughter and stories from each other.

“I still remember how we use to party after school, kahit na palagi na kaming pinapagalitan ng landlady namin dati dahil palaging hindi nasusunod ang curfew niya,” tito Cesar said after a long laugh.

“Ikaw naman lagi ang may pakana Moralta, kahit ayaw nami’y kinukumbinsi mo kaming sumama sa’yo,” sabi naman ni papa.

“Tama, si Moralta lagi ang may pakana sa tuwing napapasok tayo sa gulo,” segunda naman ng isa sa kaibigan nila papa.

“Oh, come on, gustong gusto niyo naman sa tuwing lumalabas tayo, mas marami pa nga kayong nai-uuwing chiks kesa sa’kin,” biro naman ni tito Cesar.

“I remember those days, kahit na saksakan tayo ng pilyo noon ay palagi pa’rin naman tayong nangunguna sa klase,” saad naman ni uncle Bern, isa sa mga kaibigan nila tito Cesar at papa.

Nagtawanan ang magkakaibigan. Kami naman nila mama, Zaza at Ven, pati na’rin si tita Ellise ay napapangiti na’rin sa kanila.

“Well, kaya tayo magkakaibigan ay dahil pare-pareho tayong competitive at matatalino,” si papa na sinang-ayunan naman ng lahat.

“Buti nalang rin ay hindi namana ng mga anak na’tin ang katigasan ng ulo na’tin noong araw,” si tito Cesar sabay baling sa anak nito. Ngumiti naman si Ven sa ama.

“I’m very proud with my son, masasabi kong napalaki ko siya ng maayos kahit na wala ang mama niya sa tabi namin,” dagdag pa ni tito Cesar.

Venroi’s mother died in cancer when he was three years old.

“I know Louisa will be very proud of you two even if she’s in heaven,” si mama. Ang alam ko kasi ay naging magkaibigan si mama at ang mama ni Ven noong college rin.

Isang magaan na may bahid ng lungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni tito Cesar. We knew, he really loves his wife, that even after his wife’s death, he never remarries again.

Ilang saglit na tumahimik ang kapaligiran bago muling nagsalita si papa. “Nga pala gusto ko sanang magpasalamat sa inyo na nandito ngayon sa pag-abala at pagpunta ninyo rito sa aking tahanan para lang daluhan at suportahan ako.”

“Ofcourse Guerero, you supported us back then, noong tumatakbo rin kami, rest assured that we will do the same to support you until the end,” saad ng isa sa mga kaibigan ni papa.

“Naniniwala kami sa’yo Aguinaldo, alam naming may magagawa ka sa La Castariel kaya namin ito ginagawa,” si tito Cesar.

“Not unlike that Ferrer, we cannot trust that man,” si uncle Bern.

“Huwag na muna na’ting pag-usapan ang taong iyan at tumataas ang presyon ko, mabuti pa’y pag-usapan na muna na’tin ang gagawin para bukas,” saad ni papa.

Bukas kasi ng gabi gaganapin ang birthday party ni papa, at balita ko’y hindi lang darating ang mga taga suporta niya pati na’rin ang mga local news reporter ng lalawigan upang ibalita ang pagaanunsiyo niya ng muling pagtakbo sa posisyong gobernador.

Kung gaano kami ka-busy kaninang umaga ay mas ti-triple pa iyon bukas ng umaga.

“I called two organizers for tomorrow’s big event to make sure that everything will flow smoothly. Ang gagawin nalang na’tin bukas ng umaga ay umattend ng thanksgiving sa church, do some pictorials with the scholars and some interviews with local reporters, pagkatapos ay babalik tayo rito para magpahinga at bukas ng gabi ang big party.”

THE TATTOO ON HIS CHESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon