......Continue of flash back.....
Dalwang taon ang lumipas at nag aaral na rin ako sa kender. Sa private school ako pinag aaral nila tita. Two years old na rin si Javein. Lagi ko siyang nilalaro. Tuwing sabado naman ang practice ko sa violin dahil unang contes ko palang ay nakafirst na'ko agad.
Kahit kender ako nakakaperfect ako ng mga pinapagawa sakin. Masaya na'ko kahit papaano kasi ay nalilimutan ko ang nangyari sakanila mama at papa. Ayoko ng ding bumalik kay lola dahil natatakot ako'ng baka hindi na'ko makabalik pa rito.
"Nana, iwan po mona namin si Elai at si Javein. May pupuntahan lang po ako." Nag aalala ako kay tita kasi kanina pa siyang hindi mapakali. Kanina pa siya tingin ng tingin sa cellphone niya. Lakad ng lakad at pa'rang ang laki ng problema niya.
Umalis na siya kaya pumunta ako sa kwarto ko pa'ra kunin ang violin ko. Pag baba ko ay narinig ko ang bulungan ng mga katulong nila tita. Nakinig ako sa usapan nila dahil si tita ang topic nila.
"Uyy alam niyo ba. Nahuli daw na may kasama si sir sa isang sikat na hotel."
"Oo nga ehh. Mukhang iyon yung dahilan kaya umalis si ma'am."
"Kagabi lang daw nila nakita. May nag send pa nga raw kay ma'am."
"Tumigil nga kayo, may makarinig sainyo diyan at isumbong kayo. Nay! Malalagot kayo."
Umakyat ako ulit sa taas para tignan ang pinsan ko. Lumapit ako at hinaplos ang ulo niya. Sana nga hindi totoo yung mga sinasabi nila.
Ilang oras ang lumipas at nandito na nga sila tito't tita. Narinig ko ang mga kalabog at sigawan nilang dalawa. Tinignan ko sila at nag babato na ng gamit si tito.
"Tigilan mo na yan merong mga bata rito! Sa kwarto tayo mag usap." Nag pipigil ng galit na sabi ni tita. Halatang ilang saglit nalang ay babagsak na ang mga luha niya.
Pumunta sila sa tabing kwarto kong nasaan kaming dalawa ni javien.
"Dahil ba'to kay mama kaya ka nag kakaganiyan?"
"Nag sawa na'ko sa ugali mo at sa ugali ng nanay mo. Parehas kayong dalawa!"
"Linawin mo sakin kong anong ayaw mo sa ugali ko. Hindi tayo nag kakaintindihan ehh. Aalis ka nalang bigla tapos mababalitaan kong may babae ka na?"
"Ang buong pagkatao mo ang ayaw ko okay?! Sawa na'ko sayo!"
"Wag mo kong sigawan. May mga bata diyan sa kabila."
"Yan ka nanaman. Masiyado kang nag babait baitan."
"Nagkulang ba'ko sayo para iwan mo ko ng gan'to? Ang unfair mo naman. Minahal kita Marlo tapos ipag papalit mo lang ako." Naririnig ko ng umiiyak si tita. Pinag masdan ko lang si Javien. Lahat nalang ng napupuntahan ko may problema.
"Mahal mo lang ako pero hindi kita minahal. Oo tama yung mga narinig mo katawan mo lang ang habol ko mula umpisa!"
"Marlo bawiin mo yang sinabi mo! Hindi totoo yun. Please!" Narinig kong sumara ng malakas ang pinto sa kabila. Kumalabog ang pinto dito sa kwarto kong saan nandito kami ni Javein. Umiyak si Javien ng malakas kaya lumapit ako sakaniya at niyakap siya.
"Totoo lahat ng yun Julia. Pinag pustahan ka namin ng mga tropa ko. Ikaw naman na shunga esay to get amputa!"
"Marlo please wag mo naman gawin samin to. Please Marlo." Niyakap ni tita si tito. Pero tinulak lang siya at napahiga sa sahig.
Kinarga ni tita si Javien at sinundan si tito na may dalang maleta. Hanggang makasakay sa kotse si tito ay nag mamakaawa parin si tita. Nakaalis na si tito at ako naman ay dinadamayan si tita dahil umiiiyak na siya.
YOU ARE READING
Wildest dream (Delulu Series #1)
RomanceElaisha Janice Del mundo, isa siyang mapagmahal na tao lagi siyang binubully at 'di manlang niya pinagtanggol ang sarili sa mga ito. Kinakainisan siya ng lahat dahil sa taglay niyang kagandahan sinisiraan nila ito. Isa siyang mapagmahal na pamangki...