Paggising ko ang sakit ng mata ko hindi ko mamulat ng maayos. Pumasok ako sa banyo at nagimbal ako sa kapangitan ng mukha ko. Parang binugbog ang mata ko dahil sa pamamaga. Pagkatapos kong naligo ay nagpalit na'ko tsaka inayos ang itsora. Lumabas ako sa kwarto ko suot ang sandglass dahil takot akong makita nila kong ganito. Wala namang masyadong nasa kusina dahil rinig kong nasa labas sila.
Kumuha ako ng ice sa ref at dinampi yun sa namamaga kong mata.
(A/N: sinasabi ko sainyo effective to sa mga overthingker lalo na yung mga broken at umiyak ng todo, pag namaga mga mata niyo ice lang ang kasagutan.)
Kinuha ko yung panyo ko tsaka pinunas sa mukha ko. "Good morning Elai." Bati sakin ni tita. "Good morning din po." Naghugas nako ng kamay tsaka na umupo. "Walang balak ata'ng pumasok ang batang yun? Kanina pa siya ginigising ayaw bumango. Ako na nga ang pupunta." Umalis na si tita papunta doon sa taas, napailing nalang ako. Mukhang namanhid ang mukha ko dahil sa ice.
"Tsk! Gusto ko pang matulog!" Napaupo ako ng maayos dahil nandiyan na ang tita at naamoy ko na ang galit niya ngayon. "Papasok ka ba o hindi? Iyon lang naman ang sinabi ko ah?! Tsaka wag mo kong sigawan papalayasin kita!" Napaupo ng di sa oras itong si Peppa, nakabusangot kala mo naman binagsakan ng langit at lupa. "Wag mo kong tignan! Badtrip na nga sasamaka pang maninira ng araw ko." Mahilig mag magsungit nong nakaraang linggo ang bait kala mo sinapian ng anghel.
Akala mo lang yun!
"Pake ko sa araw mo?!" Akala mo ikaw lang ang masungit? "Edi wow." Bulong niya sa hangin. Panalo ako! Ayoko ng kumain kasabay to kaya kahit mabilaukan at masuka ako dahil sa dami ng pagkain na nasa bungnga ko pinilit ko parin. "Tapos na!" Sinigaw ko talaga na akala mo nanalo sa loto. "Ang bilis mo naman? Kumain ka pa para hindi ka magutom." Aya nanaman ni tita sakin pero umiling ako dahil tinatanggal ko yung tinga sa ngipin ko. "Wag na po, busog na po ako."
Ayoko ng bumalik diyan may masungit ehh...
"Sige, yung baon mo pala nandoon sa taas ng ref." Ngumuso siya doon sa ref kaya kinapa ko at naramdaman ko ang papel, tama ang naging hula ko dahil 250 ang baon ko subra na to kaya ipunin ko nalang yung 200. Bumalik ako sa kwarto ko para mag toothbrush at ilagay na din sa garapon ang pera. Pagkatapos kong ilagay yun pumunta nako sa cr at nangtoothbrush.
Ano kayang pwede kong gawin sa ipon ko? Alam ko na kapag graduate nako mag papagawa ako bg bahay! Sino naman kaya ang kasama ko? Siguradong boring, or negosyo nalang? Nasa 100,000 na ang ipon ko nabuksan ko na kasi para ilipat ng lalagya. Aabot kaya yung 100,00? Feeling ko kulang yun pero bahala nalang tanong nalang ako lay tita pag may time, para pag graduate ko sa college wala nakong problema sa trabaho.
Ano naman kayang kukunin ko sa collage? Accountancy nalang para masaya, may alam naman ako sa math tulad ng plus tsaka minus ganon yung mga basic kineme diyan....
Nabalikwas lang ako sa ulirat ng umapaw na ang tubig sa baso ko. Pinatay ko yun at nag mumog na pag tapat ko sa salamin natunganga nanaman ako sa kwintas na nakasabit saaking leeg, kumikinang lalo na kapag natatamaan ng ilaw mas lalong gumaganda. Tinigil ko na ang pagiging sabog dahil may pasok pa'ko. Lumapas ako sa cr at pinatay ang ilaw pumunta ako sa kama at nandoon yung bag ko na kanina ko pa hinanda. Kumuha ako ng mediyas at yung convers kong sapatos tsaka ako nagmadaling isuot.
Paglabas ko mamagpapalit palang to'ng si Peppa. Tsk! Matagal nanaman to! "Maghintay ka doon....doon sa labas!" Pagtataboy niya sabay tulak sakin, tinulak ko siya dahilan para mapasubsub siya sa pintoan. "Inaayos to'ng sapatos nanunulaka ka!" Medyo napurohan ata ko sa pagtulak, nauntog siya. "Doon ka na nga! Nakakainis ka!" Halatang nangingiyak na yung mata niya. "Bakit ba ang sungit mo?! Daig mo pa may regla!" Nag walkout nalang ako para wala nang away.
YOU ARE READING
Wildest dream (Delulu Series #1)
RomanceElaisha Janice Del mundo, isa siyang mapagmahal na tao lagi siyang binubully at 'di manlang niya pinagtanggol ang sarili sa mga ito. Kinakainisan siya ng lahat dahil sa taglay niyang kagandahan sinisiraan nila ito. Isa siyang mapagmahal na pamangki...