Chapter 19

2 1 0
                                    

Tumakbo ako papasok sa bahay. "Mis Shanile!" Rinig kong tawag ng isa sa mga maid namin. Hindi ko siya pinansin at tumakbo lang ako sa taas. Pag pasok ko sa kwarto ko ay pinag susuntok ko ang mga unan ko. "Ayoko na! Ayoko ng mabuhay!" Binato ko ang mga gamit na nadadampot ko.

Sawa na'ko! Ang sakit yung mismong kaibigan mo yung nanakit sayo.

Sinubsub ko ang mukha ko sa unan binuhos ko ang lahat ng luha ko at ang lahat ng hinanakit na natitira sa loob ko.

**Tok! Tok! Tok!***

Tumingin ako sa pintoan ng room ko. "Anak! Buksan mo to'ng pinto!" Malumanay na sigaw ni dad. "Dad, please umalis nalang po kayo!" Hindi ko kayang makita nila kong ganto ayokong humarap sakanila na nahihirapan tiyak na madadamay pa sila sa mga problema ko. "Nak! Sige na! Gusto mo bang magalit ako!" Sigaw niya sa labas.

"Dad naman--"

"Buksan mo to o sisirain ko pintoan mo?!" Nagulat ako sa sigaw ni dad. Ngayon ko lang uli narinig na nagalit siya. No choice ako kundi binuksan ang pinto. "Anong nangyari sayo? Bakit puno ka ng gas-gas at sugat? Sining nanakit sayo?" Pinapasok ko siya at nilock ang pinto. "Dad, pagod na'ko ayoko na gusto ko nalang mawala!" Pinunasan niya yung mga luha ko. "Shhss! Wag mong sabihin yan nandito lang kami para sayo, sabihin mo sakin kong anong nangyari." Mahinahon niyang sabi sakin.

"Dad kasi napakasakit ehh. Yung best friend ko kasi niloko niya ko.... Masyado ko siyang pinagkatiwalaan tungkol doon sa issue ni mommy! Sinabi ko lahat ng hinanakit ko sakaniya pero kinalat niya lahat ng yun kaya lagi nila kong binubully doon sa school." Hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi sabihin sakaniya ang mga yun dahil nahihirapan na talaga ako. "Okay lang yan, hayaan mo lang siya at ipanalangin mo nalang siya sa diyos." Niyakap niya ko ng mahigpit. Nakakagaan sa pakiramdam na may nakakaintindi at dumadamay sayo.

Hindi talaga ako makapaniwala na ang daddy ko na laging galit at seryoso ay may malambot din pala siyang side.

"Thanks dad." Sabi ko sakaniya at hinalikan niya ang nuo ko. "Sige aalis na muna ako para makapag pahinga ka na." Tumayo na siya at sinarado ang pinto.

Nag palit ako ng damit at nag toothbrush tsaka humiga na. Binuksan ko ang phone ko pero wala namang mahalaga kaya nag games lang ako para pakalmahin ang mata kong lumuluha hanggang ngayon. 

                              ***

Isang taon ang lumipas at dahil minsan lang ako pumasok last year. Napunta ako sa section B meron pa akong pag-asa para makapasok sa section A kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para doon. Tinuroan ko dinang sarili ko na maging matapang para hindi na'ko away awayin ni Abby. Lagi niya kasi akong pinaparinggan kaya lang hindi ako nag papaapekto.

Hindi ko muna halos iniisip si Derick tsaka nalang pag section A na'ko babawiin ko pa kasi yung mga nasayang na grades ko. Close na din kami nila Mecaila at Marsha lagi din kaming mag kakasama sa panglalait sa mga pangit na dating nambully sakin.

"Baboy! Hahaha! Baboy! Baboy!" Parinig ni Mecaila sa matabang babae na dating nanglalait sakin. Hindi niya pinapansin ang mapang asar na bunganga ni Mecaila pero halata ang naiinis na mukha nito. "Hahaha! Wala pala yang mga bully na yan ehh! Matapang lang pag maraming kasama! Kawawa naman! Homo hababoy hahahahha!" Sabi ko din. Syempre hindi ako mag papatalo, mga bully sila.

"Tsk! Iba ka talaga Shanile! Maganda 't sexy na nga matalino pa, hindi tulad ng iba diyan homo hababoy! Hahahah!" Sabi naman ni Marsha. Umalis na yung babae kaya tumigil na kami sa pag paparinig. "Hahaha! Tignan mo hindi siya makapalag ehh. Tapang tapang tas ngayon walang palag?" Ang tatapang talaga ng mga to. Itong isa masungit tsaka yung isa naman akala mo mabait pero ang totoo napakamaldita. "Diyan na nga kayo! Gusto ko ng umalis kaya bahala na kayo sa mga buhay niyo."

Wildest dream (Delulu Series #1)Where stories live. Discover now