Chapter 16

2 1 0
                                    

Lunes ngayon at nandito ako sa kotse. Parang isang kisapmata lang yung one week na walang pasok. Puro kasi anime ang inaatupag ko buong week.

No'ng Friday pala ay nag bayad na'ko nong entrance fee at yung kay Ara din sinama ko na. Grabe ang dami kong dala lahat na ata ng gamit pang camping dinala ko na. Sabi nila agahan daw naming pumunta para makipag flag ceremony.

Malapit na kami sa school nakikita ko na kasi yung napakalaking gate. Bumaba na'ko sa kotse. "Kuya June, samahan niyo nga po akong mag buhat." Sabi ko kay kuya kasi naman ang tanga ko ang dami ko pang pinag lalagay sa bag ko. Nag dala pa'ko ng tent mukha namang hindi namin gagamitin yun.

'Di mo sure baka mamaya gamitin niyo pala'

Ako yung nag dala ng tent at si kuya naman yung bag kong napakabigat. Pumasok na kami sa school at may malaking bus na nakaparada doon sa gilid ng hall.

Dumiretsyo kami doon sa bus at nilagay ni kuya yung gamit ko doon sa gilid. "Salamat kuya, ingat po kayo sa daan." Tumango lang siya at umalis na. Pansin ko lang pero pa'rang ang tamlay nila kanina pa hindi lang si kuya June pero lahat sila.

Pumunta nalang ako sa room baka nandoon yung mga classmates ko. Nasa pinto na'ko ng room namin, pag bukas ko ng pinto tumambad sakin ang mukha ni Ara na abot hanggang kabilang galaxy ang ngiti. "Morning!"

"Good morning!" Balik ko din sakaniya. Pumasok na'ko ang dami na pala nilang nandito. Nilibot ko ang mata ko sakaling makikita ko siya,  inaasahan ko wala siya dito. "Thank you talaga, kong hindi mo'ko nilibre malamang wala ako dito. Hayaan mo babawi ako next time." Niyakap niya yung braso ko na para bang lumalambing ng jowa. Char!

"No problem, ikaw lang kasi yung pwede kong makausap doon ehh. Masyado kasing mataray yung iba sakin tsaka ikaw at sila Shawn lang yung close ko dito ehh." Totoo naman sila lang yung mga pwede kong kausapin masiyado kasing maldita yung iba akala mo kong saang universe yung pinag mulan. "Mamaya ipapakilala kita kila Jane at Yohan." Bumitaw na siya sa pagyakap sakin tsaka siya umupo dito sa upoan na nasa harap ko.

"Hindi mo na kailangang gawin yun. Mag aaksaya ka lang ng oras sigurado namang aayawan nila ko." Biglang may masakit ako'ng naramdaman sa dibdib ko. Parang tinutusok ng karayom ganito yung naramdaman ko nung makita kung may kausap na iba si Shawn. "Weeh! Tanga na sila kong aayawan ka pa! Sa bait at ganda mo'ng yan aayawan ka pa?!"

Nakakatawa yung ekspresyon ng mukha niya para siyang mag aamok ng away sa kanto dahil sa style niya ng upo. "Tama na nga, nababaliw ka na ehh. Hahaha!" Yun lang ang nasabi ko saka'niya wala ako sa mood pa'ra makisama sa mga biro niya. "Sige maya nalang tayo mag usap, hahanapin ko pa sila ehh. Bye!" Nag wave hands nalang ako sakaniya. Nilibot ko ulit ang paningin ko sakaling makita ko na siya.

Wala parin siya dito, may nangyari kayang masama sakaniya? Elai be positive! Walangmangyayaring masama sakaniya assuming ka lang. "Class pumunta na kayo doon sa hall!" Napatingin ako sa gawi ni ma'am Rolaine na nakatayo sa may pintoan.

' Nasaan na kaya siya? Seven thirty na wala parin siya. Sana lang walang nangyaring masama sakaniya. Napaka shunga ko talaga! Alangan namang may mangyayari masama doon ehh daig pa nga niya si berdugo.'

Nakisabaynalang ako asa mga classmates ko papunta sa hall. Wala pa kasi siya dito ehh. Sasama kaya yun? Mukhang busy kasi siya doon sa babaeng kasama niya.

"Uy, excited nakong pumunta mamaya. Hemhem!"

"Same para akong kinakabahan na ewan. Kyahh!"

"Magkano dinala niyong pera?"

"Gaga! Sa bundok tayo pupunta hindi sa mall baliw!"

"Sa bundok ba? Twenty thousan kasi dala ko ehh."

Wildest dream (Delulu Series #1)Where stories live. Discover now