Chapter 33

3 1 0
                                    

Elaisha's P.O.V

Nandito ako sa loob ng kwarto sa ospital kasama ang masungit na person. Hanggang ngayon mesteryo parin kong bakit nasasaakin tong kwintas. "Javien, may nagbigay ba nito dito?" Binitawan niya ang cellphone niya at bored na tumingin sakin. "Hindi ko alam, kailan mo balak pumasok?" Itong taong to iniba ang usapan!

"Hindi ko lang alam pag iisipan ko.....ano ng ganap sa school ngayon?" Sinakayan ko nalang yung tanong niya tsaka medyo exited ako'ng pumasok. "Intrams 1 week." Intrams? Dapat nauna yun kaisa sa prom. "Ilang quarter na ba natapos niyo?" Pano na ko?! Alangan mag re-repeat ako? "Wag kang mag alala, hindi naman sila nag tuturo sa seniors lalo na sa section niyo busy sila sa mga program diyan. Makakaabot ka pa." Nakita niya yung stick-o na dala ni lola Jul kahapon, pinag laroan niya.

Pag basag yan lagot ka sakin!

"Bakit hindi ka pumasok?" Humilata siya doon sa sofa. "Tsk! Mag aayos lang kami ng booth's, bahala na si Jaden diyan...." Taka ko siyang tinignan. "Yung precedent ng ssg sa juniors si Jaden Nashville." Tumango lang ako bigla nalang may sumagi sa isip ko. "Kasama ba sa ssg si Guineven?" Someryoso ang mukha niya. "Pano mo siya nakilala?"

Lagot!

"U--uhhh na---nakita ko sa school....oo nakita ko siya sa school." Sana lang makinig kang putakte ka, nakumbinse ko naman siya kaya tatango-tango lang siya. "Hindi siya kasama pero vice precedent namin siya at ako ang precedent." Uyy! Bagay sila! "Classmate mo ba sila Vanessa at Lorraine?" Balik ko nanamang tanong.

Gaga ka! Baka anong sabihin niyan bipolar pa naman!

"Nope, sa Macaroons si Vanessa Tart naman si Lorraine." Tumango lang ako tsaka kinuha yung pongkan na nasa tabi niya. Para matanggal yung baho ng bunganga ko! "Lagi kang pinupuri sa school lalo na yung mga teacher's sa grade eight 'walang katulad si miss del Mundo' nakakasawa na...." Nginatngat niya yung tape na nakabalot.

"Ay sus! Wag kang maniwala don lagi nga nila kong pinapahiya sa klase dati!" Totoo naman meron pa yung flag ceremony tapos sinabihan akong 'walang isip?' iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. "Puro ikaw ang bukambibig ng tao doon." Sabay kaing ng stick-o. "Pumapasok pa ba si Abigail?" Nag iba ang itsora niya parang may awra na bumababalot sakaniya. "Kinasuhan ni mama pero nakatakas kasi mapera." Sumubo nanaman siya ng stick-o.

"Nakakuha ng ibidensya si mama doon sa canteen sa labas ng gate, kinasuhan lahat yung mga kasabwat pero nakatakas sila kasi mapera....." Napahinga nalang ako ng malalim, bulok na ang sistema ngayon mas makapangyarihan na ang pera kaisa sa katotohanan. ".......bakit hindi ka nag sasabi? Bakit hindi mo sinasabi saamin na binubully ka na? Bakit sa iba pa namin nalaman?" Bigla akong nainis sa sarili ko. Naghalo ang lahat ng sama ng loob ko hindi ko napigilan naiyak nalang ako.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Kagabi ko pang gustong ilabas lahat ng sama ng loob ko. Sana hindi nalang ako nagising para kasama ko nalang si Shawn. "Okay lang yan wag kang umiyak...shhhhsss!" Lumapit siya at hinaplos ang ulo ko. "Hindi naman sila galit sayo kaya tahan na." Pinunasan ko yung mata ko tsaka umupo ng maayos. Para naman siyang naguguilty kaya lumayo siya sakin.

"B--Bili lang ako ng ju--juice....." Tumango ako pagkaalis niya tsaka ako umiyak ng malakas.

Ano nalang iisipin nila tita? Wala kong tiwa sakanila? Ang tanga ko din naman tama yung sabi ni lola napakabobo ko!

Nakarinig ako ng tao na nasa pinto kaya tumahan ako at pinunasan yung mata ko para hindi masiyadong halata. Pagpihit ng door knob si Javien at may dalang orange juice, paglapit niya samin inabot niya ang cellphone niya. "Parasaan to?" Sumipsip siya sandali. "Hiramin mo, nakakabaliw ka ya dito lalo na hindi mo makakain lahat ng nandiyan...." Turo niya doon sa mga gummies bawal kasi yun sakin, siya kasi nag ubos nong biscuit ko (siya din yung nag request kila tita na bumili niyan). Kinuha ko yung phone niya tsaka binuksan sandali akong napatingin natutulog siya 10:47 palang natutulog na. Hinayaan ko nalang at binuksanang data para manood sa internet pero maraming notification galing kay Jared Nashville.

Wildest dream (Delulu Series #1)Where stories live. Discover now