Pumasok na'ko sa loob at nadapnan ko si Javien na nakaupo sa sofa at nag ce-cellphone. Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti.
"Merong good news, wala daw tayong pasok ng isang week." Nakathumbs up pa siya sakin. P-pfft para siyang bata hahaha!
"Wehh! Hindi ako naniniwala sayo!" Pinakita ko talagasakaniya na hindi talagang naniniwala. Hindi kasi seryoso yung mukha niya ngayon.
"Kung hindi ka maniniwala edi wag! Hindi ko naman sinabi na maniwala ka!" Inerapan ko nalang siya at naglakad na papunta sa kwarto ko. Nilapag ko yung sapatos ko sa lalagyan nito. Ayoko kasi na inaapak yung maruming sapatos sa kwarto ko. Pano nalang kong nakaapak pala ako ng tae edi amoy tae na dito.
Tsaka sabi kasi ni tita kahit dugyot daw yung itsora ko basta malinis yung katawan ko kaya tuwing may pinupuntahan ako or lalabas ng bahay. Hindi ko kinakalimutan ang maligo o maghilamos at magpalit ng damit. Ayoko kasi yung hihiga sa kama ko na puno ng bacteria. Yucks!
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko yung buhok ko. Habang pinapatuyo yung buhok ko ay nag open ako ng messenger ko.
12-A GROUP CHATTTTT!!!
Rolaine Flores: ["Attention class!! Wala po'ng pasok ng one week napag isipan kasi ng school head na kailangan natin ng pahinga dahil sa nangyaring celebration kanina, yun lang thank you."]
Jerome Santos:[ "Yey, wala tayong pasok!"]
Sh@niel:[ "Respect naman kay ma'am, matatabunan yung announcement ni ma'am dahil diyan sa pagiging isip bata niyo!"]
Jerome Santos:["Sorry na sorry Uwu!]
Rolaine Flores:[ "Pag balik niyo sa school mag babayad kayo ng 1,500 dahil may camp research kayo. Which means meron kayong gagawin na research tungkol sa mga tribes, pag balik niyo dito sa school I report niyo ang mga sitwasyon nila. Sa ayaw at sa gusto niyo sasama kayo dahil kayo ag napili nila para dito. That's all good night."]
Napaisip ako sasama kaya ako? Haha malamang wala naman akong magagawa ehh.
**Ting**
Nag notification ang messenger at nakita ko ang pangalan ni Ara.
Ara Geor
Ara:["Elaisha, sasama ka ba sa research camp?"]
[Hindi ko pa sure, ehh ikaw sasama ka ba?]
Ara:["Pinag iisipan ko pa kasi tsaka wala akong pera. Mahal kasi yung bayad wala ako'ng sapat na pera"]
[Ganon ba? Bayadan ko nalang yung sayo para may kasama ako, boring doon kong wala akong kausap."]
Ara:["Nako. Wag na nakakahiya naman sa'yo. Hindi nalang ako sasama"]
[Basta ibabayadan kita, meron naman akong pera dito ehh. Wag ka ng mahiya libre ko na yan para sayo.]
Ara:[Hindi nakakahiya kasi sa mga parents mo kong ibabayadan mo pa ko.]
[Ahh! Basta ibabayadan kita. Sa ayaw at sa gusto mo wala kang magagawa!]
Ara:[Sige thank you, wag kang mag aalala babayadan ko to sayo.]
[Kahit wag na,libre na yun para sayo.]
Ara:[Thank you very much]
YOU ARE READING
Wildest dream (Delulu Series #1)
RomanceElaisha Janice Del mundo, isa siyang mapagmahal na tao lagi siyang binubully at 'di manlang niya pinagtanggol ang sarili sa mga ito. Kinakainisan siya ng lahat dahil sa taglay niyang kagandahan sinisiraan nila ito. Isa siyang mapagmahal na pamangki...