Epilogue

5 1 0
                                    


Four years ago

["Ma'am Janice, maraming nakaschedule sainyo, pati narin yung Mendel corp iniinvite kayo sa meeting."] Nag rereklamo na ang secretary ko dahil sa malabundok kong schedule, iilang months ko palang nahahawakan ang kompanya pero mukhang stress na ang bagsak ko. Hindi ko alam may iniwang mga negosyo si papa at mama sakin minamanage pala nila lola pero syempre matanda na siya at three years ng patay si lolo kaya sabi niya ako nalang daw ang magpapatakbo at tuturoan nalang ako.

"Basta adjust mo nalang, two weeks lang naman ehh! Four years nakong hindi nakakauwi tsaka miss ko naman na yung mga kapamilya ko dito." Natasha ang pangalan ng secretary ko, classmate ko siya nong first ako sa college at nung nagraduate na kami nag apply siya sa company namin at hindi niya alam na ako pala ang magiging boss niya. Masaya na kaibigan mo ang kasama mo sa trabaho. Ewan ko nga lang kong masaya siya.

Masaya kasi minsan napipilitan siyang tawagin kang ma'am sa harap ng iba pero pag nasa opisina kami doon na siya mga rereklamo. ["Bahala ka diyan! Pag ito umayaw ewan ko nalang sayo!"]

"Bahala ka din diyan sakit mo sa tenga! Cellphone ang gamit mo hindi mo ko kaharap!" Dahil sa inis pinatay ko ang tawag at nilagay ko sa silent ang cellphone ko.

Kakaunting damit lang ang dinala ko dahil three weeks ang plano ko pero nabawasan ng isa. Excited na'kong umuwi hindi ko kasi sinabi sakanila na uuwi ako ngayon. Nasa labas na'ko ng mapansin kong umuulan. "Malas walang taxi." Napapadyak nalang ako dahil sa banda doon pa ang waiting area ng mga ponyemas na taxi.

May natanaw akong bintahan ng mga pagkain parang convenient store pero may binta ding payong medyo malapit lang siya dito at pwedeng takbohin.

Swerte ng paa ko dahil nakasapatos ako ngayon.

Hinawakan ko ng mabuti ang maleta ko at sinuot yung hood ng jacket ko ....1.....2....3.....pagbilang ko agad akong tumakbo, ang mga patak ng tubig ay masakit sa balat kapag tumatama dahil sa lakas. Kumuha ako ng isang payong at pumasok sa loob. "Welcome." Napatingin ako doon sa maliit na radio sa taas ng pinto. Dumiretsyo ako sa counter para bayaran ang payong.

"250 po." Pag abot ko ng bayad napatitig ako sa babae'ng cashier. "Mia?" Malaki na siya ngayon at dalagang-dalaga na ang ganda niya parin. "Pano niyo po ako nakilala?" Napatingin naman ako doon sa name tag na nakalagay sa damit niya. "Ah-ahh..." Nahihiya niyang saad, nakita ko ang bracelet na bigay niya saakin sa panaginip ko suot niya ngayon. "Sukli niyo po." Inaabot niya sakin yung sukli ko. "Tip ko na lang sayo."

"Salamat po!" Ang laki ng ngiti niya sakin bago ako makaalis. Paglabas ko doon naman nanloko ang panahon tumila ang ulan kaya sa inis ko muntikan ko ng ihampas sa simento to'ng payong. Buti nalang at itim ang binili ko kasi umaraw naman. Tumingin ako sa relo ko at 1 pm na pero advance yung relo ko ng isang oras dahil magkaiba naman kasi ang oras sa ibang bansa. "Taxi!" Tawag ko doon sa dumaang taxi na walang sakay. "Pwede ba'ng arkilahin ko po kayo manong?" Tumango naman si manong habang nilalagay yung maleta ko sa likod.

"Saan po tayo?" Tinignan ko ang relo ko. "Sa SnJ Cafe po." Pinaandar na ni manong ang sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa distinasyon. "Kuya hintayon niyo nalang po ako dito." Nag okay sign naman si manong kaya pumasok nako sa shop.

Aesthetic ang design ng logar at mangilan-nglan lang ang tao. Nasa counter ang mga may ari at busy sa cellphone.

***Kring....Kring....Kring***

Tinap ko yung maliit na bell, salubong ang kilay niting babae. "Sandali! Kita mo naman nandito kami---Elaisha?!" Napatingin lahat ng costumer nila saamin. "Nasaan yung chocolate namin?!" Sumibangot siya saakin habang nakalahad ang palad. "Hindi pa dumadating yung package, may mgapangalan kayo doon kaya wag kang mag alala."

Wildest dream (Delulu Series #1)Where stories live. Discover now