Chapter 36

7 1 0
                                    

Kinakabahan ako dahil ilang oras nalang ay graduate na'ko sa highschool. Hinihintay ko ngayon sila tita dito sa bahay dahil nauna sila Javien saamin dahil recognition nila ngayon. "Saan ka kaya papapasokin ng kolehiyo nila Carmen?" Nasa harap ko ngayon si lola dahil umuwii siya dito last week para paghandaan daw tong graduation pero ang masama lang sila lola Carmen at lolo Sam na confine kagabi si lolo dahil doon sa sakit niya pati yung paningin niya kasi lumalabo na at lagi daw sumasakit ang ulo niya. Humingi ng tawad sila ng tawad sakin dahil doon, ang sabi ko okay lang kasi emergency naman. "Hindi ko lang po alam." Yun lang ang nasabi ko. "Sana sa Harvard university ka nalang, pangarap ng mama mo'ng pumasok doon pero syempre mahal doon kaya dito nalang siya sa pilipinas nag aral." Nagkibit balikan lang ako, hindi ko din naman kasi alam kong saan ko gustong pumasok.

"Kahit saan na po ako papasok diyan." Tumango lang si Lola, last pa nga niya tinatanong sakin kong anong kukunin ko. "Ate, pumikit ka." Sabi nitong bading na nag aayos kay lola, dinaig pa yung ayos sakin siya nga may pa red lipstick pa. "Wa--wag mong kapalan yung kilay ko besh, mag mumukha tayong kwago sa stage." Arte kala mo siya yung aakyat sa stage. Tumayo ako nararamdaman ko na ang uhaw.

Wala sila nana ngayon may graduation din ang apo nila kaya wala sila ngayon. Naiinitan ako dahil dito sa makeup at blouse ko kaya mas gusto kong uminom ng malamig na tubig ngayon, tumingin ako ng malamig na tubig dito sa ref kaya lang wala kong nakita pero nakakita ako ng malalaking Dutchmill tsaka hindi pwede'ng masira ang makeup ko kaya kaylangan ko ng straw para makainom. Nagpalinga-linga ako sa paligid kahit na alam ko namang wala  ang Peppa, mas mabuti ng maging sigurado men!

Kinuha ko yung isang Dutchmill na strawberry na flavor, biglang may pumasok sa utak ko. Strawberry pala ang favorite ni Shawn, kaylan ko kaya siya makikita? Para maiwasan ang lungkot tumingin pa'ko ng mga inumin ng pinsan kong bugok, napakarami pati Sterilize milk, Chucky, choco milk halos pahat ng inoming pambata meron dito. Sabagay only child lang siya tsaka may listahan siyang binibigay tuwing araw ng pag-gro-grocery, tsaka nakakaaral daw siyang mabuti pag umiinom ng mga ganiyan.

Edi sana all!

Minsan naiingit talaga ko sakaniya kasi kahit hiwalay ang mga magulang niya nandiyan parin ang mama niya para sakaniya, ehh ako?  Wala pero nandiyan naman si tita para alagaan ako pero hahanap-hapin mo din ang pagmamahal ng tunay na ina lalo na makakakita ka ng mag nanay sa daan o kaya mag tatay tapos nilalabing ang anak. Gusto ko din maranasan ulit yung inaalagaan tuwing papasok tapos sa school at tatawagin kang 'anak bumangon ka na diyan' sarap sa feeling kaya dapat kapag may magulang ka sulitin mo na mahalin mo sila.

Inubos ko na yung iniinom ko at natukso ako sa mga nandito, bakasyon naman at wala ng pasok kaya hindi niya na kailangan 'to. Kumuha ako ng isa at aking binulsa sakaling mauhaw ako doon may maiininom ako. Narinig ko na ang sasakyan kaya dalidali akong umalis doon para hindi nila matuklasan ang krimen na ginawa ko sa loob ng kusina. Tanging ang ref at ang diyos lang ang nakakita ng ginawa ko.

"Sabi ko naman sayo ngiti tignan mo pangit mo tuloy!" Yan na ang bagyo naririnig ko na ang signal number 1. "Nakakahiya!" Ngumiti ako sakaniya pero inirapan lang niya ko Sungit! "Bakit ka mahihiya ehh mayaward ka naman! Ang oa mo kala mo kinagwapo mo yan!" Padabog siyang umakyat at hindi man lang nagmano kay lola, lumapit ako kay tita para makisilip doon sa pinag di-diskosyonan nila. "Ano po bang problema?"  Hinarap niya sakin yung cellphone at nanlaki ag mata ko ng makita kong kasama niya sa picture si Guineven at halata ang pamumula ng tenga niya dito sa picture.

Kaya pala!

"Tignan mo naman mukha siyang natate dito!" Para lang siyang napipilitang ngumiti pero kahit papaano ang gwapo din niya.  "Okay na yan, pangit naman na siya dati---ARAY!"  May bumatong tsinelas saakin pagtingin ko nakasibangot na siya. "Bastos ka Javien! Wag mong ginaganiyan ang mas matanda sayo! Alam mong a-attend din siya sa graduation sisirain mo yung ayos niya!" Yan na signal number 2, napakamot sa ulo itong loko at bumalik na doon sa taas. "Hintayin mo nalang ako dito, palit lang ako ng damit." Tumango lang ako kay tita.

Wildest dream (Delulu Series #1)Where stories live. Discover now