Chapter 20

2 1 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa maiingay na tao. Mga panira ng tulog nakakainis. Medyo malabo pa ang paningin ko pero may naaninag akong pigura ng isang tae--tao na nasa tabi ko. Kinusot ko ang mata ko at si Shwn lang pala. "Gumising ka na, mag hahaponan na tayo." Mag hahaponan? Ibig sabihin ba!? "Anong haponan?" Nilibot ko ang paningin ko at nag tatakipsilim na. "Gabi na ehh. Gigising sana kita kanina pero ang himbing ng tulog mo ehh."

Ibig sabihin kanina pako tulog? Tanga ko naman nakakainis.

Tumayo ako at hinanap ang tubig na binaon ko. "Mauna ka na, susunod na lang ako." Tumango siya at nauna na. Kinuha ko ang tubig at nag mumog tsaka nag hilamos ng mukha. Isa ding nag pabigat sa bag ko ang two litters kong tubig hehe! Pagkatapos ko lumapit ako doon sa nag kukumpolang mga tao. Ang sayasaya nila parang fiesta ang nangyayari rito.  "Elaisha! Halika makisalo ka na rito!" Tawag ni ara sakin. Nag sasayawan at nag kakantahan ang mga tao dito sa bonfire. Hinila ako ng isang bata palapit sa'kanila. Walang ilaw tanging apoy lang ang nag sisilbing ilaw. Tinignan ko ang paligid at nakita ko si James at Shanile na nakaupo sa sulok. "Hinahanap kita kanina, sabi nila tulog ka daw kaya hindi na kita hinanap. Hmmp!" Naka pout siya na parang bata.

"Sorry napasarap lang kasi tulog ko. Hehe!" Totoo naman masarap tulog ko kaya nga wala akong panaginip---napapapansin ko lang lagi naman hahaha! "Ganon ba? Kaya pala kinalimutan mong kumain!" My god para siya yung girlfriend na nag tatampo sa jowa. "Sorry naman, natagalan ako sa paghihintay sa niloloto nila kanina kaya naisipan kong kumain." Napakamot ako sa ulo ko lakas kasi makabaliw tong babaeng to. "Basta wag ka ng uulit, kung hindi wag n tayong mag usap!" Narinig ko ang mahinang tawa nila Jane at Yohan. Hindi ko napansin na nandito pala sila.

"Lakas ng trip mo! Buti kong magagawa mo yan!" Tawang tawa si Yohan dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Naiimagine ko parang ganito yung gusto kong circle of friends, yung walang samaan ng loob tuwing nag aasaran, nag dadamayan sa lahat ng bagay, nag tatampo yung isa dahil hindi ginawa ang nakabubuti para sa kalusogan. Yung hindi toxic na friendship. "Sinabi mo na yan samin. Elaisha, wag kang maniniwala saka'niya siguradong hindi ka niya matitiis." Ang hinhin niya talagang nagsalita parang hindi niya alam kong paano magalit hahaha. Cute

"Bahala kayo! Kaya kong gawin yun!" Pag mamatigas ni Ara. "Tologo bo?" Pangaasar uli ni Yohan. "Oo na nga! Hindi ko talaga kayo matiis!" Nag appear yung dalawa dahil sa sinabi niya. "Sabi sayo ehh, hindi yan nakakatiis." Nakitawa ako saka'nila.

Tumayo ako at kumuha ng dahon dahil iyon ang nag sisilbing plato nila. Kukuha na sana ako ng pag kain ng may mapansin ako. Wala kayo mga homo nakasunod sa food pyramid yung pagkain nila. Merong kanin, karne, prutas, gulay, isda, tinapay, at iba pa. Hindi ko nga alam kong anong klase ng luto itl basta ang alam ko itsora palang masarap na. Sumadok ako ng sumandok dahil nararamdaman ko na ang hasik ng aking tiyan. Bumalik ako uli doon sa inuopoan ko kanina.

Nag tatawanan sila kaya siguro hindi nila ko napansin kaya kumain nalang ako ng tahimik. Ilang minuto silang nag tatawanan tsaka lang nila ko nakita. "Wow! Takaw!" Komento ni Ara sa kabundok kong plato. "Tanga! Malamang hindi siya kumain kanina kaya binawi niya sa haponan!" Sabi naman ni Yohan kay Ara. "Sabagay, oo nga no? Tanga ko talaga haha! Sige kumain ka muna diyan hindi ka nanamin iistorbohin." Timango ako sakaniya dahil sa dami ng nginunguya ko. "Ikaw lang ang istorbo! Sige Elaisha maya nalang tayo mag uusap pagkatapos mo'ng kumain." Nag thumbs up ako sakaniya at tinuloy na ang chibog.

Tumingin ako sa paligid ko kasi parang may naka--Shawn. Oo nga pala nasaan na kaya yung lalaking yun. Hanapin ko nalang siya pag tapos na'ko kumain. Ngayon mag ra-rate tayo ng mga pagkain. Yung karne7/10 masarap naman siya pero parang may kulang, tinapay 100/10 ang sarap lalo na kapag lalagyan mo nitong sabaw ng karne, gulay 10/10 masarap siya parang adobo na hindi ko alam kong anong klaseng sarsa ang ginawa dito pero ang sarap lalo na yung okra, sitaw,talbos ng kalabasa, repolyo lalo na kapag nilagyan ng sili, prutas 1000000/10 syempre prutas na yan ehh. Masarap din kapag hinalo dito sa gatas ng--hindi ko alam na hayop i think gatas ni Abb--shot up flat yun kaya walang gatas. Yung lasa ng gatas tapos tong parang maliliit na berry na may buhok. Ang alam ko tawag dito malberry ewan basta ang alam ko ganto yung spelling, tapos ang sarap din nung mangga siguro kapag pinalamig to sa ref mas masarap.

Wildest dream (Delulu Series #1)Where stories live. Discover now