Kakagising ko lang at ito parin maganda. Araw ng sabado ngayon kaya wala akong gagawin. Gumagawala lang ako ng gawaing bahay tuwing bakasyon. Naghilamos ako at lumabas sumilip ako sa baba para makita ang oras nine sixteen palang. Pumunta ako sa veranda at umupo doon.
Ang ganda na sana pero nakakita ako ng onggoy. Nag papapansin nanaman hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng isang rosas at inamoy-amoy ko yun. Sa susunod nga bibili ako ng pabango wala pala kong pabango. Nakakainis hindi kasi ako lumalabas. Ay! Oo nga kakain pa'ko.
Bumaba ako at pumunta sa kusina. Nakatakip ang mga ulam. Sinilip ko isa isa at nakita ko ang katutuhanan na ginamit niya lang ako char! Prito ang ulam namin itlog, becon, ham, hotdog. Hindi ko trip kaya kumuha akong tig iisa sa ulam at hiniwa-hiwa ko kumuha ako ng sinuyas at bawang. Mag sasanggag ako ngayon. Sinidihan ko ang kalan at nilagay ang kawali para sosyal kumuha ako ng butter para gamiting mantika. Inuna kong hinulog ang sibuyas. Wala trip ko lang. Sinunud ko ang bawang at yung mga hatdog, becon, ham ginisa ko at hinitay kong maging itim yung bawang. Para may design yung sinangag ko.
Nang maging itim sinunud ko yung kanin. Nakaisip ako ng kabaliwan kumuha ako ng tuyo at oyster sauce tsaka nilagay sa sinangag. Hinalo halo ko lang habang komikimbot. Char! Joke lang! Nainis ako doon sa butter kasi parang nalusaw na lahat at pumunta na sa langit para maging ulan. Kumuha ulit ako para idag dag.
'Sige, ubusin mo yan!'
Sabi nga nila sundin daw ang utak wag daw ang puso kaya uubusin ko talaga yung butter. Biglang nagbago ang isip ko at hindi na inubos. Baka kasi buhok ko pa ubusin nila. Naluto na yung pagkain ko kaya kumuha ako ng plato na may design na prutas. "Uy! Ang bango! Ano yan?!" Nandito nanaman yung onggoy. "Wala! Doon ka nalang! Alis tsupi!" Kahit anong tulak ko sa tukmol ayaw paring umalis ng animal. Kumuha siya ng plato niya at sandok.
(●__●)
"Ang kapal mo naman! Kakaunti lang to ehh!" Syempre joke lang pang dalawang tao yung niluto ko pero kasi makukulangan ako kaya kailangang mag damot. "Damot mo naman! Kahit kaunti lang ehh!" Sasandok na sana siya kaso tinabig ko yung kamay niya. "Ako na mag bibigay sayo, diyan ka lang." Pumalakpak pasiya at nilahad ang plato niya. Kinuha ko ang kutyara niya at kinuha ko ang kumpol na kanin na parang nasa lima o sampong butil lang. "Yan lang ang pwede mong tikman. Arayy!" Hinampas niya sakin yung plato niya. Para akong nahilo kaya lumayo ako sakaniya tsaka hinimas ang ulo. Ang loko naman sinamantala niya ang pagkakataon at kumuha ng kumuha.
Lumapit ako at tinignan ang kawali. "Ngekk! Wala ka ng pagkain!" Pangaasar niya tsaka na siya tumakbo paalis. Naiwan lang akong nakatingin sa kawali na pang isang lamon ko lang. Bwisit talaga to! Iisang kutyara lang nakuha ko! No choice ako kaya sumandok ako ng kanin doon sa isang kaldero. Umupo ako sa upoan. Pag bibigyan ko na nga lang tutal bahay naman nila to tsaka nakikitira lang ako kaya wala kong karapatang magdamot.
Tiniis kong kinain ang tumpok na kanin. Masakit sa lalamonan lalo na tuyo yung kanin. Tahimik lang ako na kumakain dito. Napaisip ako okay lang naman kasi sunog yung bawang kaya mapait yun. "Ahahaha! Hahahahaha!" (Evil laugh) "Good luck my dearest cousin, sana magustohan mo! Ahahaha!" Tumigil ako sa kakatawa baka kasi isipin nila nababaliw na'ko pero totoo naman dati na'kong baliw gaya ni sister author.
Natahimik ako sa pagiging baliw ko kasi narinig ko na ang yabag ng onggoy. "Ano ba to?! May mga mapapait! Sayo nalang---" Hindi ko siya pinatapos. "Kapal mo! Kinuha mo yan kaya taposin mong kainin! Ito ang moral lesson, wag kang kukuha ng pagkain lalo na pag maganda ang nag luto!" Para siyang nandidiri sa sinabi ko kaya inirapan ko siya. "Maganda ka ba? Saang banda? Pwede pakituro para makita?" Binatukan ko siya pero parang hindi ata umubra. "Susumbong kita kay tita! Sinasayang mo yung mga pagkain!" No choice niyang kinuha ang plato niya.
YOU ARE READING
Wildest dream (Delulu Series #1)
RomanceElaisha Janice Del mundo, isa siyang mapagmahal na tao lagi siyang binubully at 'di manlang niya pinagtanggol ang sarili sa mga ito. Kinakainisan siya ng lahat dahil sa taglay niyang kagandahan sinisiraan nila ito. Isa siyang mapagmahal na pamangki...