Chapter 30

3 1 0
                                    

Lumabas ako sa bahay ni tita dahil wala sila ni nana. Umalis sila gamit ang kotse narinig ko kagabi na kukuha daw sila ng driver hindi na kasi maharap ni tita na ihatid at sundoin ako kaya kukuha na daw sila.

"Napakapabaya naman."

"Buti at nasa subdivision tayo, kung hindi nakidnap na yan."

"Iniiwanan eh ang bata pa, pano nalang kong mapahamak?"

"Sigurado akong hindi yan inaalaagan ng mabuti tignan mo ang dungis."

Lahat ng nadadaan ko dito ay grabe ang tingin saakin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko may halong inis at salimuot. Lumayo ako sakanila dahil makakarinig lang ako ng mga paninira nila sa ibang tao gaya nalang ng paninira nila saakin sa school. Wala akong mapagsabihan nun dahil laging busy si tita nahihiya naman akong magsabi kay nana siguro kong hindi kinuha ni tito si Javien saamin siguro sakaniya kona nasabi lahat.

Natigilan ako sa pagiisip dahil may yumakap saakin at napatapon kami sa gilid ng kalsada. "Putangina! Balak mo bang mamatay na huh?! Bwisit!" Sabi nung kotse na muntik na akong masagasahan. "Hindi mo ba tinitigan ang dinadaanan mo?! Muntikan ka ng sundoin ni San Pedro!" Kinuha niya ang sketch pad na hawak niya kanina. "Sorry, hindi ko sinasadya.....thank you." Inirapan niya ko pero hindi manlang ako nainis kasi ang gwapo niya at ang ganda ng mata niya.

"So--sorry din kasi nadala lang ako ng pag-aalala, sige diyan ka na!" Aalis na sana siya kaya lang hinawakan ko ang braso niya. Ano kayang pwede kong sabihin? Bahala na nga lang! "Pwede ba kong sumama sayo? Please?" Tinignan niya ang sketch pad niya at tumingin sakin. "A. Y. O . K. O! Diyan ka na hindi ko gustong kasama ang mga makukulit gaya mo!" Natawa ako sa pananalita niya bulol siya sa tagalog. "Baliw ka ba?!" Mukha na siyang galit dahil tumawa ako.

"Hindi, bulol ka ehh...." Nainis na talaga siya at kinuha yung nahulog niyang lapis tsaka tumakbo. "Huy! Hintayin mo ko! Sorry na! Nagbibiro lang ako!" Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa tabi ng ilog. May puno dito at ang ganda. "Wow, ang ng ganda! Huy! Hintayin mo ko!" Tumakbo ako sakaniya bigla nalang siyang umakyat doon sa puno na malaki. "Tigilan mo na ko pwede ba?! Gusto kung tahimik ang buhay ko! Umalis na nga ko sa bahay tapos nandito ka pa para manggulo?!" Tinanggal ko ang tsinelas ko at nilislis ang pajama. Inabot ko ang sanga ng puno. "Huy babae! Wag kang umakyat baka mahulog ka---!" Natigilan din ako dahil nahulog ako at talaga naman masakit nauna ang ulo kong tumama sa lupa.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa bumaba mula sa puno yung batang lalaki. "Sinasabi ko naman sayo eh, mahuhulog ka pero tigas ng ulo mo." Niyakap ng ang ulo ko tsaka hinaplos. "Gu--gusto ko lang sumama sayo! Ayaw mo kong kalaro wala na nga kong kasama sa bahay namin tapos aawayin mo ko!" Iyak na kung iyak dahil sa sakit ng ulo. "Sige, wag ka ng umiyak papayag nakong makipag laro sayo. Pwede ka ng su--sumama sakin dito---yuck! May uhog ka!" Tinulak niya ko kaya nauntog nanaman ako. "ARAAAYYYYY!!!!!" Sigaw ko dahil sa sakit.

"Sorry, wipe your----." Naasar ako sakaniya. "Sakit na nga ng ulo ko  i-inglesin mo pa ko!" Reklamo ko sakaniya. "Sorry, punasan mo yang number eleven mo sa ilong parang waterfalls kasi.....bibili lang ako diyan ka lang wag kang aalis." Binato niya ang panyo niya saakin tsaka tumakbo paalis. Kinuha ko yun at pinunas sa ilong ko. Sumandal ako sa puno at doon umiyak. Umatungal ako na parang baka kinagat ko ang panyo napabato ako  may nalasahan kasi ako. Doon ko lang napagtanto na uhog ko pala ang natikman ko.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nandito na ang batang lalaki. "Lumapit ka sakin, gamutin natin yang bukol mo lakilaki kasi." Hinawakan ko ang ulo ko at dinapi yung ice na dala niya. "La--lamig." Hinawakan ko yung ice. "Talagang malamig! Kulit kasi!" Kinuha niya yung sketch pad niya at lapis tsaka may sinulat doon. "May utang ka sakin." Sabi ko sakaniya. "Anong utang?" Nagtaka yung mukha niya tumingin sakin. "Kasi inuntog mo ko...." Kasalanan naman niya yun. Hindi ako mamamatay sa bundol mamamatay naman ako dahil sa untog. "Niligtas kita kanina kaya wala yun!"

Wildest dream (Delulu Series #1)Where stories live. Discover now