Shawn's P.O.VKailangan ko na siyang makausap! Kailangan ko na talaga dahil hindi pwedeng mahuli ang lahat.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Sagotin mo please! Ilang beses nag ring ang phone niya pero hindi parin siya sumasagot. Pang limang tawag ko na sakaniya pero hindi parin. Tiis lang!
["Hello?"] Narinig ko mula sa kabilang linya ang parang anghel niyang tinig. "Pwede mo ba kong puntahan ngayon?" Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa nerbyos. ["Oo naman, hintayin mo lang ako dahil may importante din akong sasabihin sayo."] Kinabaha ako, ano kayang sasabihin niya?
Pero kailangan mo na talagang malaman to Sha-sha! Marami akong gustong sabihin sayo.
["Sige."] Pinatay ko na agad ang tawag at humagulgul ako dahil mukhang ito na muli ang pagkikita natin.
...................Flash back................
Nag mamadali akong lumakad dahil marami pa kong kailangang kunin sa ospital. Kailangan ko ng kumuha ng medical certificate at magpapacheck up na din dahil two months ng sumasakit ang ulo ko simula nong umuwi ako dito sa pilipinas para hanapin si Sha-sha lagi kasing may nagpapakita sakin sa panaginip pero tuwing nagigising ako hindi ko na matandaan ang nangyayari.
"Sir, pumasok na po kayo." Malumanay na sabi ng nurse. "Thanks." Napansin kong namula siya pero pumasok nako sa loob at hindi na inisip yun. "Hey!" Nagulat ako dahil sa lalaking nakaupo sa sofa. "Ohh sorry, ang akala ko si tito. Halika umupo ka dito hintayin mo nalang si Dr. Sopremente may inasikaso siya sandali at binilin ka niya sakin." Tumango ako bigla nalang akong nahilo kaya dalidali siyang lumapit saakin. "Umupo ka muna dito bro, pahinga ka!" Narindi ako dahil sa mismong tenga ko pa aiya sumigaw.
Sinandal ko ang ulo ko sa sofa dahil hinihingal ako. "Alam mo parang nakita na kita? Saan na nga ba yun?" Tumingin siya sa itaas at nagisip, ako din parang nakita ko na siya dati.
"Basta ang alam ko nakita na kita!" Ginulogulo niya ang buhokniya dahil sa pagiisip. "By the way I'm Jared Nash Sopremente you can call me Jared for short." Pag papakilala niya, nilahad niya ang kamay niya sakin. "Nice to meet you ako nga pala si Shawn." Sa totoo lang hindi talaga ko komportable na sabihin ang pangalan ko sa iba. "Nice! May girlfriend ka na?" Ang tanong na yan ang pinakaayaw ko sa lahat.
Tumango ako kahit wala naman talaga, sorry hindi ko pa kasi nahahanap ang taong matagal ko ng hinahanap. "Sayang may ipapakilala sana ako ehh, Tsk! Sayang." Hindi pako pwedeng mag girlfriend kailangan ko pang tulongan si Mary Bell dahil buntis siya at maliit ang kita nila para sa pagiipon nila sa panganganak ni Mary Bell, parehas silang pinalayas ng mga mahulang nila kaya humingi sila ng tulong saamin ni ate Mel at hindi naman namin sila matiis dahil may mga pinagsamahan at tsaka pinsan ko naman siya kaya nagtutulongan kaming apat para makapag ipon para sa mga check up at sa bills sakaling manganak si Mary Bell.
"Pass ako pre." Umiiling pako sakaniya, nginiwian niya lang ako. "Bakit ka ba mag papacheck up? Anong ipapatingin mo?" Nag buntong hininga ako. "Two months ng sumasakit ang ulo ko." Natawa siya ng mahina. Oa ಠಿ_ಠಿ
"Uminom ka ng ihi matatanggal yan." Para siyang baliw na tawa ng tawa samantalang ang corny ng sinabi niya. "Gawin mo mona tsaka ko gagawin." Ganon nanaman yung mukha niya na pangiwingiw. "Mukhang naiirita ka na sakin ahh? Hehe?" Talaga! Mas grabe ka pa sa taga interview kong mag tanong.
"Ano yang laman ng bag mo?" Lumapit siya sa bag na nasa kandungan ko. "Buksan ko ahh?" Tumango lang ako dahil masakin ang ulo ko. Binuksan niya ang zipper. "Hanep, para kang babae ang linis ng bag mo at nakaayos lahat!" Komento niya habang hinahaluglug ang bag, inangat niya ang sketch pad ko nagulat ako ng hawakan niya yun. "Tignan ko lang ahh? Baka magalit mag transforme ka bilang dragon." Napakunot ang noo ko dahil ang narinig ko lang ay "Tignan ko lang ahh?" Hindi ko narinig ang huli.
YOU ARE READING
Wildest dream (Delulu Series #1)
RomanceElaisha Janice Del mundo, isa siyang mapagmahal na tao lagi siyang binubully at 'di manlang niya pinagtanggol ang sarili sa mga ito. Kinakainisan siya ng lahat dahil sa taglay niyang kagandahan sinisiraan nila ito. Isa siyang mapagmahal na pamangki...