Elaisha's P.O.V
Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan at nagugutom. Kaya dapat nakong bumaba kasi malapit na yung Wise Market.
"Kuya June, dito mo na'ko ibaba." Tumango lang siya saakin tsaka niya hininto ang sasakyan sa waiting shades. Malapit lang kasi sa waiting shades ang ilang hakbang lang palang ay kumakalam na ang tiyan ko.
'Hehe kong hindi mo lang ginalit ang tita mo edi hindi ka sana mahihiyang kausapin siya.'
Ganito kasi ang nangyari umagang umaga palang kasi pinapapak ko na ang manggang kinuha ko at ilang besis kong sinabi sakaniya ang tungkol sa hindi ko pag papasundo kaya. Boggsshh! Galit
Ayaw na ayaw kasi ni tita na kinukolit siya tsaka hindi nakikinig kaya nagagalit siya. Sigurado ako na mawawala din ang galit niya mamaya.
Pumasok na'ko sa Convenience store. Nilibot ko ang pangin ko sa buong lugar. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganito ehh. Napadako ang tingin ko sa mga cup noodles lumapit ako dito.
Grabe parang lahat masasarap hindi ko nga alam kung ano ang pipiliin ko. Cheesie pork kaya or spicy chicken.
"Ito ohh, mas masarap yan." Tumingala ako at nakita ko ang pamilyar na mukha ng lalaki.
Nag alinlangan akong tumingin sakaniya. Kinuha ko nalang ang inabot niya saakin ang masama lang ay hindi ko mabasa kasi japanese character. Haha iyon ang problema satin ehh.
Humablot nalang ako ng sterilize milk sa refrigerator. Dinamay ko nalang din ang para sa lunch ko nakalimutan ko kasing magbaon.
Nakompleto ko na ang bibilihin ay pumunta na'ko sa counter para mag bayad. Nilingon ko ang likod ko kong nandoon pa ba ang nagbigay ng noddles saakin. Ay wala na kaya tumingin ako sa labas at nakita ko siya tsaka siya kumaway saakin.
"87. 15 po lahat." Sabi ni ate saakin kaya binigay ko ang bayad.
"Kung gagamit po kayo ng oven or water dispenser,nandoon lang po." Sabi ni ate habang nakasmile hindi naman ako maldita kaya nag smile na din ako sakaniya. Pumunta nalang ako doon sa tinuro niya tsaka nilagyan ng mainit na tubig yung noddles ko. Hinaluhalu ko na para magkalasa yung noodles ko.
"Thank you po!" Bati sakin ni ate ng makatapat nako sa counter. "Thank you din po!" Balik kong bati sakaniya tsaka na lumabas.
"Diba masarap?" Sabi sakin nitong lalaking, ewan tanong ko nalang mamaya ang pangalan niya. Tumango-tango lang ako sa sinabi niya.
"Uhhmm ano bang pangalan mo?" Mahinahon kong tanong sakaniya.
"Hindi mo bako kilala? Classmate mo ko. Hahaha!" Tumatawa habang umiiling niyang sabi.
"Sorry, pero kasi hindi ako gaanong makamemorize ng mga pangalan ehh." Pinipigilan niyang tumawa sa harapan ko ngayon.
"Evon James ang pangalan ko. Pero James nalang pangit kasi yung Evon . Hahaha!"
"Sige, James nice to meet you." Mahina ko lang na sabi nahihiya kaya akong makipag kilala sa mga to.
"Alam mo ang hinhin mo." Natawa nalang ako sa sinabi niya saakin. Na agad na pinagbago ng expression ng mukha niya.
Hindi mo lang alam nasa loob ang kulo ko
"Meron ba'ng mali sa sinabi ko?" Nagtataka niyang tanong sakin. Medyo malapit na kami sa school ilang metro lang ang layo namin.
"Wala naman, wag mo nalang intindihin. Hehe!" Tumahimik nalang ako. Bahala siyang mag salita kumakain ako ehh.
"P.E ngayon diba? Tsk nakakaboring ang subject na'to!" Nanggigil niyang sabi sakin sabay kuyom ng kamao niya. Hahaha para siyang bata.
YOU ARE READING
Wildest dream (Delulu Series #1)
RomanceElaisha Janice Del mundo, isa siyang mapagmahal na tao lagi siyang binubully at 'di manlang niya pinagtanggol ang sarili sa mga ito. Kinakainisan siya ng lahat dahil sa taglay niyang kagandahan sinisiraan nila ito. Isa siyang mapagmahal na pamangki...