Chapter 21

2 1 0
                                    


"ahhm!......th-thank you." Hindi ako makatingin ng diresto sakaniya. Inangat ko ang mukha ko para masilip ang mukha niya. Namumula siya pati narin ang tenga niya. "S-sorry." Maikling sabi niya. "Ki-kita nalang tayo mamaya maliligo pa ko, bye!" Gosh! Nahihiya kapang bruha ka!

'Shiting ka Elai! Lakas makagentleman, hindi ako makapagtimpe dito aasawahin ko yan! Rawr!'

Tumalikod nako sakaniya. Lumingon ako uli nakita kong kumakaway siya sakin kaya kumaway din ako. Kinikilig talaga ko haha!

"Elaisha, nandito ka lang pala akala namin kong nasaan ka na." Tumingin ako sakanila. Hawak nila ang damit ko saan kaya nila nakuha yan? "Sorry ah? Iniwan ka namin ehh. Ito kasi hinila ako kaya hindi ko napansin na hindi ka pala namin kasama." Paliwanag ni Yohan. "Binalikan ka namin doon wala ka na kaya--"

"Wala lang yun, okay lang." Inabot nila sakinang sami ko kaya kinuha ko nalang. "Salamat." Sabi ko. "Hali na kayo maligo na tayo, ang dugyot ko na ehh." Sabi ni Yohan kaya sumunod nalang kami. Hindi naman kami nahirapang pumili kasi wala naman tao.

                             ***
Natapos na kong naligo kaya bumalik ako sa kubo kung saan naroroon ng gamit ko. Kinuha ko amg notebook na kabibili lang. Bumili kasi ako ng bago para dito sa research camp na'to. Hindi pa nga ko nakakalabas nandito nanaman ang Ara. "Saan ka pupunta?"

"Diyan lang, mag lalakad lakad lang ako mag isa." Tumango siya at nag isip ng malalim. "Magingat ka...merong multong pakalat kalat sa labas." Natawa nalang ako. Imposible naman ehh umagang umaga merong multo mga nine ng umaga palang eh. "Sige.....Hahaha!" Lumabas na'ko pumunta ako sa may mga bulaklak. Tumingin ako sa paligid at lumusot doon sa mga matataas ng gumamela. Lumabas ako sa kabilang side ng harden. Maraming puno at maganda ang view nakikita ang ilan pang mga bundok dito.

"Ano ba yan Mia! Tanga mo naman tinuro na nga sayo eh!"

"Boba kasi! Ang alam mo lang naman bumasa pero hindi mo alam mag laro!"

Hinanap ko sila nakita kong nakasandal sa puno si mia habang nilalait siya ng dalawang batang babae.

"Huy! Anong ginagawa niyo sa kaibigan namin?!"

"Kayo ah! Mas bobo kayo kasi siya magaling siyang mag basa! Eh kayo? Alam niyo ba?"

"Tsk! Sa papel lang naman yan magaling eh! Atles magaling kaming mag laro! Ang landi pa! Mga lalaki yung kalaro yuck!"

"Ikaw sumusubra ka na! Atles maganda siya at matalino tsaka mabait! Di tulad niyo pinag lihi sa ama ng loob! Atles maputi siya di gaya niyo mukhang kilikiling maitim! May nanalaman pang "yuck" hindi ka ba nahihiya sa mukha mo? Mas nakakadiri ka pa nga ehh!"

Lumabas ako sa pinag tataguan ko at pumunta sa harapan nila. "Mga bata wag kayo mag away, tsaka kayo." Tinuro ko yung dalawang bata. "Masama ang manglait magagalit ang diyos, kung hindi niya alam ang isang bagay turoan mo at wag mo siyang husgahan." Hindi naman sa pagiging bias pero gaspang ng dila ng dalawang batang to.

"Ehh bakit ka ba nangingialam? Dayuhan ka lang naman ah? Hindi mo naman kami kilala tsaka wala kang pake!"

"Oo nga, kahit mas matanda ka pa samin hindi mo kami mapapasunod sayo! Wag kang feeling mabait! Pareparehas naman tayong may tinatagong baho!" Grabe wala na'kong masasabi sa mga batang to kundi mga maldita sila. "Hindi naman sa nangingialam per---"

"Nangingialam ka na tapos sasabihin mo hindi ka nangingialam?"

"Gilda! Tumigil ka nga! Wala ka ba'ng respeto sa nakakatanda sayo? Napakamaldita mo!" Sabi ng isang batang lalaki. Inirapan siya nung gilda. "Halika na nga! May mga papansin kasi dito!" Umalis na sila at inirapan nila kami isa isa.

Wildest dream (Delulu Series #1)Where stories live. Discover now