CHAPTER 64 - *Confrontation*

2.5K 39 3
                                    

-------------------------CHAPTER 64------------------------

* CONFRONTATION *

.

.

(Nadine's POV)

.

.

Nanghihina akong napaupo sa upuan sa terrace ng bahay matapos umalis ni Vince.

.

.

Hindi ko sukat akalain na 'yon pala ang sasabihin niya sa akin. Nagawa man akong lokohin ni Glen noon ay sigurado naman ako na nagbago na siya...dama ko naman na mahal niya ako.

.

.

Bigla namang pumasok muli sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Vince ang tungkol kay Glen. Hindi naman yata talaga magagawang sabihin sa akin ni Vince ang lahat ng mga tungkol rito kung talagang hindi totoo o 'di kaya'y pawang kasinungalingan ang mga 'yon..

.

.

ilang minuto rin ako na nakatitig sa brown envelope na hawak-hawak ko. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba 'yon para tingnan ang kung anuman na nilalaman 'non o hindi.

.

.

ngunit sa bandang huli ay napagdesisyunan ko na buksan na lamang iyon.

.

.

naroon ang lahat-lahat na magpapatunay na kasal na nga si Glen. Bukod sa mga dokumento ay naroon rin ang iba't-ibang larawan ng siya ay ikasal, mayroon rin na mga larawan ng anak nito at may kasama pang birth certificate na nagpapatunay na may anak na nga talaga si Glen sa asawa nito.

.

.

nanikip ang dibdib ko sa aking nakita at patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha.

.

.

.

.

KINABUKASAN

.

.

"Sagutin mo ako Glen...totoo ba?"

kahit na natitiyak naman ako na totoo nga na kasal na siya ay nais ko pa rin na marinig mula sa kanya ang bagay na 'yon. Isang araw rin ang aking pinalipas bago ko siya komprontahin patungkol rito.

.

.

nang sabihan niya ako na mag-de-date kami ay pumayag ako.

.

sa isang high class restaurant kami nagkita at pagkarating ko ay niyakap niya ako ngunit hindi ako tumugon. Nang subukan niya sana akong hagkan sa pisngi ay umiwas ako.

.

ang sakit-sakit kasing isipin na sa tuwing nagkikita kaming dalawa ay may ibang tao pala akong sinasaktan.

.

.

kung kaya't walang paliguy-ligoy ay kaagad ko na sinabi rito sa kung ano ang aking natuklasan.

.

.

kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat. Sa reaksiyon pa lamang nito ay naroon na ang kompirmasyon, na talagang totoo ang lahat.

Driven By Love - Vince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon