CHAPTER 36: LUCKY ME
(Nadine's POV)
Ilang beses na akong pa-iba-iba ng posisyon ng pagtulog sa kama pero wala pa rin.
Hindi ako makatulog..
Bigla na rin tuloy akong nakaramdam ng pagka-uhaw, kaya naman napag-isipan ko na pumunta sa kusina.
Doon ko nakita si Vince na seryosong-seryoso at halos magkasalubong pa ang kilay dahil sa pagkakunot ng noo nito habang pinipihit ang gas stove para ma-off na ito, nagawa naman niyang ma-off 'yon.
Siguro ay may niluto ito.
"Good evening sir Ales--este....ahmm..Vince."
'Ano ba naman, kanina pa ako pamali-mali ng tawag sa kanya. Dapat ay masanay na ako.'
Doon niya lamang siguro naramdaman ang presensiya ko sapagkat nagawa nitong lumingon sa akin sabay ngiti.
"Oh! Nadine, gising ka pa pala...what brings you here? Are you hungry too?"
"Ahh..hindi lang po--ay! Hindi lang ako makatulog pero hindi naman ako guto medyo nauuhaw lang."
"I see..do you want me to get you something to drink then? Juice? Milk?"
Mabilis pa nito na kinuha ang isang baso.
"Ahy! Hindi na! Tubig lang naman ang iinumin ko...hehe! Ako na ang kukuha ng tubig, ipagpatuloy mo lang 'yang ginagawa mo."
"Okay." Sabi ni Vince sabay abot ng baso sa akin.
Habang nagsasalin ako ng tubig ay pinagmasdan ko si Vince habang sinasala nito ang noodles sa strainer. Instant pancit canton siguro ang plano nitong kainin.
Naalala ko na naman 'yong sinabi ni aling Minda na nagpaturo pa ito sa kanya na magluto ng almusal na kinain ko kaninang umaga. Hindi ako makapaniwala na hindi pala ito marunong magluto at unang beses pala nito na magluto kanina para lang makabawi sa akin.
'Tama nga si kuya George, ang sweet naman ni Vince.'
Natigilan ako sa iniisip ko at kaagad uminom ng tubig.
'Ano naman ba ang pinag-iisip ko? Ipinagluto lang kaninang umaga sweet na agad? Pero kunsabagay, kung idagdag ko pa 'yong ginawa niya kanina noong tulungan niya ako matapos akong buhusan ng shake ng Zandra na 'yon, kapansin-pansin naman ang pag-aalala niya sa akin kanina...siguro, slight na sweet ito ng mga sandaling 'yon.'
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...