CHAPTER 2: TAXI DRIVERAFTER 3 YEARS
"Nadz! Taralets! Pupunta kami kina Jonald, birthday ng anak niya! Maraming pagkain, sama ka na sa'min! Nag-aantay na sa labas si Fred 'don na lang tayo sa tricycle niya sumakay." Magiliw na sabi ng kaibigan ko na si Ray.
Ang totoo niyan, "Raymond" ang pangalan niya, kaso 'Ray' ang tawag ko sa kanya at 'Nadz' naman ang tawag niya sa akin. Bestfriend ko siya pero ayaw niya kasi gusto raw niya more than bestfriends.
Akala ko pa nga noong una ay nagbibiro lang siya. Pero seryoso pala talaga siya. Kaya lang, sinabi ko rin noon na hindi pa ako handa sa ganoong bagay.
Pinaliwanag ko naman sa kanya at naiinitindihan niya naman.
Kung tutuusin, guwapo siya, mabait, maalalahanin, masipag, maliban pa 'ron ay napakalaki ng naitulong niya sa akin. Siyempre dahil brokenhearted ako noon, it was hard to get back on track, pero dahil kay Ray bigla ko na lang narealize na tumatawa na rin pala ako. Kapag nagigipit ako, tinutulungan niya ako agad na makahanap ng raket, may time pa nga noon na nakipag-away pa siya dahil sa muntik na akong mabunggo ng bisekleta. Ang dami ko na life lessons na natututunan kay Ray, somehow, nagawa ko na mas makilala ang sarili ko at maging appreciative sa buhay na mayroon ako.
Siguro kapag kaya na ng puso ko, ako pa mismo ang magsasabi kay Ray. Pero sa ngayon, hindi pa...
Mahirap na, baka mangyari ulit 'yong katangahan na ginawa ko noon. Takot pa rin ako na sumubok umibig. Kahit naman kasi nakakangiti na ako at tumatawa, ay kung minsan, naaalala ko pa rin 'yong sakit ng noon...
"Hoy! Nadz! Ano?"
Laking gulat ko at nasa harap ko na pala siya ngayon, samantalang kanina ay nasa may gilid ko siya.
"Ang lala na naman yata ng pagkatulala natin Nadz ah! Bakit mo pa kasi pinag-iisipan masyado, kung pumayag ka na lang kasi na maging boyfriend mo ako edi sana okay na!"
Sabi niya nang di pa rin ako nagsasalita. Pakiramdam ko tuloy ay pinamumulahan na ako ng pisngi.
Pabiro ko na tinulak si Ray.
"Pinaglololoko mo na naman ako Ray ha!"
"Nagbabakasakali lang ulit, malay natin at bigla ka ng pumayag diba?" Sabi nito sabay ngiti at kindat sa akin. Hinawakan pa nito ang baba at uma-anggulo-anggulo pa na parang akala mo may kumukuha ng litrato sa kanya.
"Heh! Baka nga kaya hindi mo napapapayag kasi masyadong mahangin!" Agad na tinigil ni Ray ang pag-aanggulo niya at tumino ng kilos.
"Hoy! Hambol 'to! Hambol, hindi hambog."
Nagtatawanan na lang kaming dalawa.
"Oh ano? Tara na Nadz, gutom na ako, makikain na tayo kina Jonald."
"Mauna na lang siguro kayo Ray, mamamasada pa ako eh. Sayang ng kikitain, malapit na naman ang bayaran ng renta nitong apartment. Pero hahabol ako Ray, kita-kita na lang tayo 'ron." Sabi ko at kinuha ko na rin yung money bag ko sabay suot nito sa bandang belt ng pantalon ko.
Pagtingin ko kay Ray ay nakita ko na nakanguso siya.
"Hay naku Nadz akala ko pa naman makakasabay ka...hinay-hinay sa pagtatrabaho ha, huwag mo munang isipin ang pagpapakasal natin, tsaka na tayo mag-ipon para 'don. It ken weyt!"
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...