CHAPTER 25 - Shirt

3.2K 76 9
                                    

Salamat sa pag-fan mo.

Hoping na patuloy mong basahin ito.


CHAPTER 25: SHIRT



(Nadine's POV)



Inaabsorb ko pa 'yong pagpapaliwanag ni Vince lalo at nadama ko naman na talagang sincere siya sa paghingi niya ng paumanhin. 


Kung tutuusin ay nito ko tuloy narealize na tama nga siguro sina Carmela, na mabait naman talaga si Vince. Siguro ay nagkakataon lang na hindi kami nagkakaintindihan at baka laging wrong timing lang.


Hindi ko nga sukat-akalain na ang akala niya pala ay galit ako ng sobra sa kanya dahil sa nangyari na isyu last week. 


Ang totoo naman kasi ay nainis naman talaga ako at nagalit din siguro pero agad din naman na nawala 'yon dahil humingi naman si Vince nang tawad kaagad at maliban pa ron, habang naiisip ko 'yong maling akala ni Vince sa akin at 'yong halos pa-anunsyo na pagsabi niya sa mga tao na wala siyang sex life ay natatawa ako.


Bigla akong natigilan nang marinig ko si Vince na nagsabi na kung mag-ki-quit na ba talaga ako sa trabaho ko, itataas niya raw ang sahod ko, at bigla na lang may sinabi siyang double.


'Double? Ang taas naman yata 'non. Sobra naman yata'.


Doon na ako napalingon kay Vince.


'Bakit parang mukha siyang naiiyak?'


"Sir Alessander hindi ninyo na ho kailangan pang taasan ang--"


"Why? Kulang pa rin ba? Then I'll triple it, or better yet gawin na lang natin na one-hundred thousand a month."


Nanlaki lang ang mga mata ko ng sobra.


'Ano 'to bidding?'


Tinignan ko si Vince at kitang-kita ko na hindi ito nagbibiro, mukha rin siyang hindi mapakali na maiiyak na hindi ko maintindihan.


"Sir, tigil na ho. Kako, hindi ninyo na ho kailangan pang taasan ang sahod na ibibigay ninyo sa akin kasi mataas naman ho 'yong suweldo na binibigay ninyo, atsaka..magtatrabaho pa rin ho ako bilang driver at secretary ninyo. Wala naman akong sinabi na magre-resign ako eh, ang sinabi ko lang kanina, kung hindi kayo magsasalita ay aalis na lang ako, meaning lalabas dito sa opisina ninyo."


Itinuro ko pa ang kinatatayuan ko para lang malinawan ito sa sinabi ko kanina.


Maya-maya ay napansin ko na kuminang na ang mga mata nito. 


"Really? You mean it?"

Hindi ko alam pero parang nag-iba ang aura ni Vince. Parang kagaya ng isang bata, 'yong parang sinabihan mo lang na bibigyan mo siya ng isang espesyal na laruan.

Driven By Love - Vince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon