Okay, ngayon ko lang nare-realize, madami-dami na rin pala ang mga Chapters ng DBL...hahaha!!
Sana hindi naman kayo tinatamad... :DD
.
.
--------------------------CHAPTER 72---------------------------
* THE CALL *
.
.
Ilang araw ko na rin na hindi kinikibo si Vince magmula nung mangyari yung "Nightie" incident. Kahit na anong klase ng paglalambing, pagsusuyo at pakikiusap na ginagawa nito ay hindi ko pa rin siya pinapansin.
.
.
Pero, afterwards, para bang nag-iba na rin ang mood nito. Tinigilan na niya yung panunuyo niya sa akin. Hindi niya na rin ako kinikibo. Tila ba may malalim itong iniisip at para bang mayroon itong dinadala na matinding problema na hindi ko maintindihan.
.
.
Gusto ko sanang tanungin kung ano nga ba ang bumabagabag sa kanyang isipan pero nauunahan naman ako ng hiya.
.
.
Ngunit sa ngayon ay hindi ko na kaya pa na makita na ganoon si Vince, nag-aalala na ako para rito. Ang alam ko naman kasi ay wala namang problema sa kanyang kompanya dahil sobrang successful nga ng business niya.
.
.
"Vince, hindi ka pa ba matutulog sa itaas? Gabing-gabi na, I think you should go and get some rest."
sabi ko rito nang makita ko siyang nakasandal sa swivel chair doon sa library. Madilim doon, isang lampshade lang ang nagsisilbing ilaw 'ron at kitang-kita ko na nakapikit lamang ang mga mata ni Vince pero natitiyak naman ako na gising ito.
.
.
"Yeah. Susunod na lang ako."
.
.
"Susunod? Why not go there ngayon? Alam ko naman na pagod ka na eh, kailangan mo ng magpahinga."
hindi ito kumikibo.
.
"May problemaba Vince? Noong isang araw ka pa ganyan eh. Is there something wrong going on?"
tanong ko rito.
.
.
"Nothing's wrong Nadine, I'm fine. Umakyat ka na. Susunod na lang ako."
.
"Alam ko na may mabigat ka na problemang dinadala Vince. Kilala kita. Puwede mo namang sabihin sa akin eh."
.
"Please Nadine, just go upstairs. Hayaan mo na muna ako dito...kahit ngayon lang..."
.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sa akin sinasabi kung ano ang problema mo malay mo matulungan kita--"
.
"Hindi ka ba talaga puwedeng mapakiusapan ha Nadine?! Can you just leave me alone?! Just this once lang Nadine!!! Hindi ba puwede 'yon?!!"
bigla akong nagulat nang biglang tumaas ang boses nito.
Hindi ko ine-expect 'yon kasi never niya ako na pinagtaasan ng boses simula ng magpakasal kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...