CHAPTER 35: ADJUSTMENTS
(Nadine's POV)
"Ineng! Salamat naman at bumalik ka!"
Magiliw na pagbati ni Aling Minda sa akin. Nilapitan pa niya ako para yakapin.
Nandito na kasi ako ulit sa bahay ni Vince.
Kung bakit? Hindi ko rin mabigyan ng eksaktong dahilan.
Sa tingin ko kasi ay mas kailangan ni Vince ang serbisyo ko bilang secretary at driver niya, si Wayne naman kasi ay mayroon namang assistant at driver, hindi naman niya talaga kailangan pa na kuhain ako para magtrabaho para sa kanya, siguro ay nais lang niya talaga ako na tulungan kaya pumayag na lang siya na bigyan sana ako ng trabaho. Pero kahit ganoon, ay marami naman ako na natutunan sa pagtrabaho ko sa kanya sa maikling panahon.
Pero walang kinalaman ang sinabi ni Vince sa akin na na-miss niya ako.
O siguro, mayroon din naman pero natitiyak ko na kaya lang niya nasabi 'yon dahil nga't nahirapan talaga siya sa trabaho niya...na wala siyang tagapag-maneho ng mga sasakyan niya, at secretary na puwede niyang utusan.
Isa pa, naipaliwanag naman ni Vince sa akin kahit papaano. Gusto ko nga sanang malaman kung sino ang tinutukoy niya na palpak kung talagang hindi ako 'yon o kung kanino siya galit noon, pero nagpasya na lang ako na huwag na lang tanungin pa sa kanya at baka isipin niya na tsismosa ako. Binalikan ko kasi ang nangyari mula sa sinabi niyang dahilan at luminaw ang lahat, namali talaga ako ng intindi, inakala ko ay ako ang tinutukoy niya, dapat ay hindi ako nagpadalus-dalos.
Siya pa nga ang nag-sorry sa akin kahit na kung tutuusin ay may mali rin naman ako.
Baka 'yon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit bumalik ulit ako rito.
(Vince's POV)
Nakatingin lamang ako kay Nadine, nay Minda at Apple na nagyayakapan sa may pintuan ng main entrance ng bahay.
I really feel relieved nang pumayag si Nadine na bumalik dito sa bahay.
I can't help but recall what my friends just said to me before Nadine and I left at Wayne's penthouse.
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...