CHAPTER 8: PROPOSAL(Nadine's POV)
"Dito talaga Nadz? Syet na malupet."
Napasipol pa si Ray nang makarating na kami sa tapat ng V's Place. Kita ko na manghang-mangha ito sa itsura ng restaurant.
"Oo dito na nga, kaya nga yata talaga ako hindi pinapasok sa loob ng resto nung mga guard dahil pang-sosyal kasi talaga na kainan siya..."
Kahit ako ay namangha na rin. Ang ganda kasi ng design nito, fine-dining nga talaga ang ibibigay nito na impression sa kahit na sino na makakita nito. Paano pa kaya ang disenyo nito sa loob?
"Tsss...kahit na, hindi ka pa rin dapat binastos ng guard, lalo at wala ka namang masamang intensyon. Eh ano naman kung sosyal yan o ano. Restawran pa rin yan, bandang huli parehas lang yan sa kahit na saan na kainan, pagkain lang din naman ang ise-serb nila, at bandang huli naman, sa inidoro lang 'din ang ending ng pagkain nila."
Natawa ako sa huling sinabi ni Ray. Pero kung tutuusin, may tama nga siya. Minsan talaga ay madami akong mga nare-realize kay Ray. Napaka-simple lang niya, walang arte at siguro kung kunyari lang na may krisis o end-of-the world o kung anuman na invasion, si Ray 'yung tipong kayang mag-survive mag-isa, at ang siyang gugustuhin mo na makasama upang mas malaki ang chance na mag-survive ka rin.
Nang papunta na kami sa entrance ay naroon sina Rambo at Johnny...nakita ko na nagbigay sila ng apologetic smile sa akin sabay bati sa amin ni Ray. Si Ray naman ay agad na tinitigan ang dalawang guard.
"Teka nga muna Nadz, eto bang dalawang 'to 'yung nambastos sayo kagabi?" Tanong bigla ni Ray na nakatingin pa rin kina Rambo at Johnny.
"H-hindi noh!" Tigalgal kong sabi.
"Bakit nautal ka? Nagsisinungaling ka ba Nadz?"
Umiling-iling ako ng ilang beses. Mas mabuting hindi na lang ako mag-salita at baka mas lalong mahalata nito na hindi ako nagsasabi ng totoo.
'Ang hirap naman kasi talaga kung kilalang-kilala ka ng tao.'
But at the same time, ngayon ko lang naalala ulit na sobrang kilala na rin talaga ako ni Ray.
"Tss. Nagsisinungaling ka Nadz, bistado kaya kita. Hoy kayong dalawa, wala kayong pinagkaiba sa kahit na sinong tao sa mundo. Kahit mayaman man o mahirap ang nakakasalamuha ninyo, parehas pa rin ng klase ng respeto dapat ang binibigay ninyo."
Dire-diretsong sabi ni Ray.
"Ray, okay naman na. Tara na sa loob." Sabi ko rito at nginitian ko na lang din sina Johnny at Rambo nang pagbuksan na kami nito ng pinto.
Nang makapasok na kami ay mukhang pinagbilinan na ang isang staff ng restaurant sapagkat nilapitan kami nito at sinabihan na pumunta kami sa may kaliwa dahil naroon daw si Vince naghihintay.
At ngayon nga ay nakaharap na ako kay Vince.
"Ahm Mr. Hernandez, pasensiya na kung medyo natagalan ako bago makarating dito. Sinama ko pala si--"
"Ikaw pala yung Binsent. Kunot na kunot yata ang noo natin ah." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kay Ray.
(Vince's POV)
'Who is he? Is he her boyfriend or something?'
Hindi ko gusto ang tono ng pananalita nito.
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...