CHAPTER 33 - Fried Chicken

3.3K 72 9
                                    

Nadagdagan na naman yata ang may gusto kay BRANDON.

Dedicated ito sayo. Sana ay patuloy mo na  suportahan ang kwentong ito.


How about to the other readers? Sino ang gusto ninyo sa apat? Comment down below!



CHAPTER 33: FRIED CHICKEN



(Nadine's POV)



Shet.



Ano ba naman 'to, kainis.





'Anak ng pusit...okay lang naman sana noong una na ang makakasama ko rito bukod kay Wayne ay sina Chase at Brandon...pero, ano naman ang naisipan ni Vince at pati siya gusto niya rin makisiksik dito?'



Oo na, hindi ko naman pag-aari itong penthouse at pati naman ako ay nakikitira lang pero ang weird naman kasi. Ang laki naman ng bahay ni Vince, parking space pa nga ng mga sasakyan niya sobrang laki na, ano naman kaya ang rason niya at bigla niyang naisipan na makitira rin dito?



'Hindi kaya't may emergency sa bahay niya? Teka...teka...ano naman ang pake ko?'

Bigla ako na napangiwi sa iniisip ko.


'Hay! Kaya ko nga kinapalan ang mukha ko na tanggapin na lang ang alok ni Wayne na dito muna ako makitira na rin sa kanya kasi nga't ayaw ko naman na rin na bumalik at magtrabaho kay Vince, ayokong makita o makasama siya dahil hindi biro 'yung ginawa niya at hindi 'yon katanggap-tanggap para sa akin...tapos ngayon, eto siya....bigla na lang na maiisipan na gayahin sina Brandon at Chase?!'


Siguro kasi ay ganoon siya ka-insensitive.



"Vince, are you insane?" 


Nabaling ang atensyon ko kay Wayne. Sa tingin ko ay gusto niyang malaman ang dahilan ni Vince, pero mukhang kawawa si Wayne. Imagine naman kasi, siya lang ang nakatira rito noong una, biglang nadagdagan nang nadagdagan na siya ng makakasama. Kahit na ngayon ko pa lang nagagawang makilala nang mas lalo si Wayne, ay medyo alam ko na kaagad na siya 'yung tipo na mas komportable na mag-isa lang. Mas gusto niya na tahimik lang ang paligid, maayos at malinis.



"Why would you want to stay here? You have your own house." 


Napatingin naman ako kay Chase. Hindi ko lang sigurado pero parang natutuwa pa siya sa sitwasyon.



"What's wrong with wanting to stay here too? I think it's a great time to have another talk with you guys. Besides...malay ko at baka bigla ninyo akong pag-usapan behind my back."

Sagot naman ni Vince kay Chase.



'Hmp, teka nga lang at nagpaparinig ba siya sa akin? Siguro ay akala niya na magsusumbong pa ako kina Chase at Brandon sa ginawa niya. Ang kapal niya ha!'




"Oh! I think this will be fun for all of us! Don't you guys think?"



Tinignan nilang tatlo nang matalim si Brandon.



"Look, if I do give my approval na puwede kayong mag-stay dito, where will the two of you sleep? I only have two guestrooms and they are already occupied. Si Nadine sa isang guestroom, and Chase, he already took the other room." Kalmadong pagpapaliwanag ni Wayne.

Driven By Love - Vince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon