Idine-dedicate ko ang chapter na 'to para sa'yo.
Sobrang saya para sa akin na malaman na natutuwa ka sa mga nangyayari sa buhay ni Nadine. Thank you!
CHAPTER 18: ANGRY
(Nadine's POV)
"One more word and I'll kiss you...."
"A...."
Wala na. Balak ko sanang magsalita pero nag-sink in bigla sa isip ko 'yung sinabi niya at parang kagaya ng pagsara ng isang makahiya na halaman ay ganoon din kabilis kong itinikom ang bibig ko.
"What now? Aren't you gonna say something?"
Sumilay ang isang sulok na labi ni Vince at sobrang lapit na masyado ng mukha niya sa akin.
Napalunok lang ako.
"Well...I guess wala ka naman yatang violent reactions with what I said, so again, starting tomorrow, you'll work for me as my secretary and...driver pa rin kita. Kaya dapat maaga kang matulog dahil magiging busy tayo bukas. Got it?"
Tumango na lang ako.
Tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa loob ng mansyon.
Langya! Shet! Ba't ako pumayag?!
Leche!
Worth it pa ba ang tartitawsan?!
Aalis na lang ako!
Oo tama!
KINABUKASAN
Eto ako ngayon.
Nasa opisina ni Vince.
Naka-suot lang ako ng polo shirt.
Maong pants.
Rubber shoes.
Tapos 'yung kopya ko.
Nakaupo ako ngayon sa desk ko.
Wala e. Hindi ko kayang isawalang-bahala lang si tartitawsan.
Hindi ko alam pero para akong naninibago tuloy. Kahit naman kasi ilang beses na ako na nakapunta rito sa opisina ni Vince, iba na tuloy ang pakiramdam ko ngayon. Kasi, ngayon ay empleyado na rin niya ako rito sa building. Medyo parang out of place tuloy ako. HIndi kasi bagay ang suot ko. Lahat kasi ng mga empleyado ni sir ay nakasuot ng office wear.
Hindi na bagay ang suot ko! Nakita ko pa nga 'yung iba na mga empleyado ng amo ko na tila hindi sila makapaniwala na ako na rin pala ang secretary nito. Kanina kasi ay ipinakilala ako ni Vince sa mga empleyado niya sa floor namin at kahit nga sa reception area at sa kung sino na nakasalubong namin kanina ay ipinakilala niya ako na ako na raw ang bago niyang secretary.
Siguro ay dismayado ang mga 'yon lalo pa at karamihan sa kanila ay may paghanga kay Brandon.
Hay hindi ko talaga gusto ang mga ganitong pangyayari.
Nakita ko sa desk ko na nagbi-blink ang intercom, pinindot ko 'yon.
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...