CHAPTER 44: ANO RAW
(Nadine's POV)
Masayang-masaya kaming nag-uusap ni Ray tungkol sa nangyari sa bakasyon niya sa Zambales nang mag-ring ang cellphone ko.
Vince buwisit >:( calling...
Nadine: "Hello"
Vince: "Nadine, where are you? Why aren't you home yet? Hindi ba't--"
'Shet. Lowbat.'
Nakalimutan ko na i-charge 'yung cellphone. Bukod kasi sa 'di ko nagawang i-charge 'yon ay tinignan din kasi ni Ray ang mga kung ano pa na feature ng cellphone ko, maliban pa 'ron ay naka-ilan din kami na selfie.
'Ba't naman kaya tumawag si Vince? May ipapagawa na naman kaya siya o...'
"Ay shet! Ang tanga ko lang talaga! Ray, kailangan ko ng umalis."
Sabi ko rito.
"Aalis ka na agad? Ano ba naman 'yan, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita aalis ka na? Eh maaga pa naman ah. Maghapunan muna tayo. Dapat nga malaman ng Binsent na 'yan ang kondisyon mo ngayon e!"
Sabi nito sa akin.
"Maaga ka diyan eh mag a-alas-otso na kaya. Salamat na lang Ray pero kailangan ko ng umuwi. Nakalimutan ko na kailangan ko nga pala na umuwi ng maaga ngayon. Nawala sa isip ko. At isa pa, hindi ko siya ma-contact, naputol 'yung tawag dahil nalowbat na pala phone ko, baka isipin 'non sinadya ko o ano, mas maiging okey kung umuwi na lang ako para hindi na 'yon mag-isip pa."
Tuloy-tuloy kong sabi.
Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Ray.
"Ops! Kalma lang Nadz. Ihahatid na kita at huwag mo na akong tanggihan kasi may sprain ka. Ako na lang ang mag-da-drive ng kotse noong Bincent na 'yon okey ba?"
"Vince, hindi Vincent."
Pagtatama kong muli kay Ray.
"Ahy basta, yun na yun."
(Vince's POV)
'Dammit! She hung up on me!'
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...