CHAPTER 34: AIRCON
(Nadine's POV)
Walang-wala sa oras ay nagising ako.
'Bakit ang lamig?'
Mas lalo ko na inayos ang comforter ko at hinigpitan ko rin ang pagyakap ko sa unan.
Pero wala pa rin, sobrang lamig.
Kung hindi ako aware na nasa kuwarto ako, iisipin ko na nasa ice plant ako.
Ginaw na ginaw na ako. Kahit mahirap ay pinilit ko na bumangon para i-adjust ang lamig ng aircon.
Pumunta ako sa kung saan nakakabit ang thermostat para sa aircon ng kuwarto at pinindot ko para hinaan ang lamig. Pero ewan ko kung bakit dahil hindi iyon gumagana.
'Paano naman nangyari na hindi gumagana 'to?'
Dahil centralized ang aircon dito sa kuwarto ay walang ibang button maliban sa thermostat at wala rin na plug para sa aircon.
'Bakit kasi hindi gumagana ang thermostat?'
Tsk. Bahala na. Tiisin ko na lang.
Pakapa-kapa lang ako sa pader habang naglalakad pabalik hanggang sa may narinig ako na umungol.
'Leche! At ngayon pa yata planong manakot ng multo...'
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad ngunit madaling naantala 'yon nang may isang matigas na bagay ako na natapakan.
'Ano ba 'to at gamuntikan pa ako na matumba?!'
Sinipa-sipa ko 'yon sapagkat hindi ko talaga alam kung ano 'yung harang na 'yon. Isama na rin ang kaba na nararamdaman ko dahil madilim at malamig dito sa kuwarto. Hanggang sa may narinig muli ako na pag-ungol mula sa sinisipa ko na harang.
Teka nga...mukhang pamilyar 'yung boses...
'Vince?'
Shet. Papaano siya napadpad dito?
Doon naman siya sa may malapit sa pinto kanina ah! Balak ba nito na mangmanyak na naman?!
Pero kaagad na pinalis ko 'yon sa isip ko dahil nakailang sipa rin ako sa kanya. At sa tingin ko ay ang binti niya ang natapakan ko kanina.
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...