CHAPTER 48 - T-Shirt

2.5K 48 7
                                    

CHAPTER 48: T-SHIRT



(Nadine's POV)



"Ate Nadine, sino 'yon?"


Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ni Apple at nanlaki ang mata ko sa nakita. 


'Si Ray 'yon ah...'



Mukhang mayroon itong hawak-hawak na plastik...


Nakatayo ito sa labas ng main entrance ng bahay at nakatingin sa kotse na kinasasakyan namin.


"Parang siya 'yong naghatid sa'yo kagabi ah..."


Nang makahinto na ang sasakyan ay bumaba na kami ni Apple. 


"Nadz, kumusta ang pagpapacheck-up mo sa doktor? Oks naman ba?"


"Ayos naman na ako, kailangan ko lang na magpahinga muna. Bakit ka pala Ray napunta rito?"


"Gusto kong malaman kung kumusta ka, kung alam ko nga na maaga ka pala na magpapacheck-up, mas inagahan ko sana para nasamahan kita. Hindi mo naman kasi sinabi kung ano'ng oras ka magpapacheck-up. Siya nga pala, may dala rin ako na prutas, para sa'yo."


Inabot ko naman mula rito ang plastik bag na naglalaman ng mga prutas.


"Maraming salamat para rito Ray, ikaw talaga masyado ka pa na nag-aabala."


"Nag-aalala lang."


Nabaling ang pansin ko sa paghagikhik ni Apple.


"Ah, Ray, si Apple pala, isa sa katrabaho ko rito sa bahay."


Inilahad naman ni Ray ang kanyang kamay kay Apple.


"Hi Apple, ako si Ray, kaibigan nitong si Nadine at masugid niyang manliligaw--"


"Ray!" Saway ko rito.


"Na palagi niyang binabasted...masaya ka na?" 


Natatawa-tawa ako na umiling-iling sa sinabi nito.


"Hehe. Ang sweet ninyo naman. Nice to meet you po kuya Ray."


Akala ni Apple ay makikipag-shake hands si Ray kaya nilahad na rin niya ang kanyang kamay pero katulad ng ginagawa palagi ni Ray ay high-five ang ginawa nito kay Apple.


"Mabuti pa itong si Apple, sweet daw ako o! Mukhang magkakasundo tayo Apple ah! Ayos ako kung ku-kuyahin mo ako, pero wag mo na ako'ng i-"po." 

Driven By Love - Vince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon