CHAPTER 17: ONE MORE WORD(Nadine's POV)
"Sino'ng tomboy?!"
Nakita ko na napalunok si Vince nang bigyan ko siya ng matalim na tingin.
"You are...hindi ba?"
Malakas nitong sinabi 'yon ngunit biglang humina sa huli. Mukhang hindi kasi yata niya sinasadya na masabi 'yon. Kung kanina ay ako ang tila hindi makatingin sa kanya ng harapan ay parang baliktad naman tuloy ngayon dahil siya na ang nakayuko.
Sobra ako na na-gi-guilty kanina habang nagpapaliwanag si Vince sa akin dahil narealize ko na talagang mali ang ginawa ko sa paghihinala sa kasarian niya.
Na dapat ay hindi ako basta na lang na mag-isip ng kahit ano na intriga sa kanya at kay Brandon. Na dapat ay inalam ko na lang mula sa kanya ang katotohanan. Ramdam na ramdam ko pa nga kanina na namamanhid na ang leeg ko sa kakayuko dahil sa sobrang kahihiyan.
Hindi na nga ako makaimik kanina eh.
Pero grabe. Parang gulong ang nangyari at siya naman tuloy ang nasa posisyon ko.
Kunsabagay, hindi ko naman siya masisisi. 'di lang naman siya ang may ganito na akala tungkol sa kung ano nga ba ang kasarian ko.
Bigla tuloy ako na may naisip...
"Paano mo naman nasabi yan ha? Dahil ba sa ganito ako manamit? Ha ser? Dahil ba sa ganito ako magsalita? Dahil ba sa paraan ng pagkilos ko kaya ninyo naisip na tomboy ako? Tama ho ba ako sir Alessander?"
"Err--well..uhh...t-that's what--I mean...uhm..y-yeah..."
"Pffft! Buwahahaha!"
(≧∇≦) (・_・;)
<ako> <Vince>
Hindi ko mapigilan ang matawa! Grabe! Ang sakit na ng tiyan ko! Ang ganda kasi ng reaksyon ni Vince! Hahaha! Akala niya ay seryoso ako na naiinis sa kanya. Hahaha! Ngayon ko lang siya nakitang nauutal sa pagsasalita...haha!
"Why are you laughing at me? May nakakatawa ba ha?"
"Haha! Eh kasi naman ho sir para kang tanga! Hahahaha! Kung nakita mo lang kung ano ang itsura mo—"
( ̄^ ̄'')
Kaya lang...tumigil na rin ako sa kakatawa kasi biglang sumeryoso na ang mukha ni Vince eh. Naka cross arms pa ito at medyo nagkakasalubong na ang mga kilay nito sa gitna.
"Ahmm...sir....hehe...sensya...'di ko ho sinasadya. Na kereyd-away lang ho...hehe...pero sir Alessander, 'di po ako tomboy."
Hindi ko alam pero parang nakita ko na lumiwanag ng konti ang mukha niya nang sabihin ko 'yon.
"You're not a lesbian? Then why--"
"Trip ko lang ho kasi na magsuot ng pang-lalaki na mga damit, tama ho kayo, komportable kasi siyang suotin. Mas okay rin po kasi na ganito ako manamit lalo na sa trabaho ko, tsaka kahit naman noong nagta-taxi ako ay ganito na ho talaga ako manamit.
"Then what about your hair? Ba't lagi kang nakasumbrero? You always tuck your hair--"
"Kasi ho medyo mainit pag nakalugay. Nakasanayan lang rin ho siguro sir kasi noong nagtataxi pa ako, mas gusto ko na hindi kita ang mukha ko para hindi nila nakikita na babae ang taxi driver nila. Para iwas sa intriga."
"Then what about--"
"Kung sa pag-galaw ko naman ho at pananalita sir, siguro dahil na ho yon sa mga kaibigan ko sa dati ko na tinitirhan. Kahit naman po kasi sir ganito ako kumilos babae pa rin ho ako ser. Hehe!"
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa kanya lang ako nagpaliwanag ng ganito tungkol sa rason kung bakit para akong lalaki kung kumilos at manamit. Wala naman kasi akong pakialam kung anuman ang tingin ng ibang tao sa akin. Pero...ngayon, parang may nagsasabi sa akin na kinakailangan ko na magpaliwanag sa taong 'to.
"Well...if you say so...ibig sabihin pala ay nagkamali ako ng panghuhusga sa'yo and with that, I'm sorry."
"Hehe! Oks lang po 'yon sir Alessander...pasensya na rin ho ah! Inakala ko na may samting kayo ni Brandon."
"Well atleast everything's clear...the two of us are straight. Babae ka at ako naman, lalaki."
Nang sabihin ni Vince yon ay bigla na lang itong pinamulahan at nag-iwas ng tingin sa akin.
'Ano'ng meron?'
"Oho sir. Atlis malinaw na ho sa'tin pareho." Sabi ko na lang.
(Vince's POV)
I guess, Brandon is right. Nadine is not a lesbian.
I still feel pissed off that she thought I was a gay.
I feel as if my masculinity has been challenged all of a sudden. I have this feeling that I should prove something. Na dapat ay ipakita ko sa kanya na totoong lalake ako!
"Ah sir, sabi ninyo ho kanina na kinakailangan natin na mag-usap? Ahm, ano ho ba ang sasabihin ninyo sa'kin?"
'Crap. I don't know what to say...'yung tungkol lang naman talaga sa pagiging lesbian ni Nadine ang rason ko kung bakit nais ko siya na makausap. Eh sa bigla naman na namin na napag-usapan ito ng hindi ko inaasahan...what should I say now?'
Think.
Think.
Think.
'I can't think of anything.'
"Sir...patungkol ho ba sa pagbibiro mo kanina na gagawin mo akong secretary?" Asked Nadine.
'Bingo! Nice!'
"Yeah...about that...walang biro 'yon. You are my driver but starting tomorrow, you will also be my secretary." Afterwards I got out of the car, carried my things and started walking.
I sensed her following me, I think she wants to protest with what I just said.
"Sir, bakit naman ako biglang magiging secretary mo? Joketime ba 'to sir?!" She even extended her hands para lang maharangan niya ako.
"Do I look like I'm joking?" I even tried copying how Brandon smiles when he flirts with the ladies but I don't know if I was able to pull it off or not.
"Pero bakit naman ho?" It's as if wala lang sa kanya 'yung pagngiti ko, ni hindi nga ito natigilan o ano.
'Maybe I looked foolish that's why.'
"Ikaw na rin mismo ang nagsabi na kaya mo na magtimpla ng kape."
"Pero--"
I don't know kung ano ang pumasok sa isip ko kasi eto. Pinasandal ko siya sa gilid ng kotse. Everything happened so quickly. All I know is she's now trapped by my arms.
I then moved my face closer to her.
"Wala ng pero-pero Nadine, one more word and I'll kiss you..."
'What did I just said?'
_____________________
MJAC
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...