CHAPTER 3: BANKERTinignan ko ulit siya mula sa rearview mirror ko. Hindi pa rin ito sumasagot dahil abala pa rin ito sa paglalagay ng hand sanitizer sa mga kamay kaya naman inobserbahan ko muna siya ng husto.
Mukhang mayaman siya. May itsura at sa tingin ko ay mataas ang posisyon niya sa trabaho dahil sa kung paano siya manamit. Naka-formal attire ito, black slacks, black suit, dark blue necktie at...may briefcase pa! Bihira lang ako na makaencounter ng ganitong klase na pasahero.
Bigla ko tuloy naalala si Banker ng Deal or No Deal. Kahit di ko man alam kung sino at ano talaga ang itsura non, tingin ko kung magkakaroon ng mukha iyon, ay baka ganito ang itsura 'non.
'Pa-impress kaya ako at nang mabigyan ng tip.'
"What?!"
Aba! Muntikan ko pa tuloy na mapindot ang busina sa pagkagulat! Nakatingin na rin siya sa rearview mirror ko, kaya siguro napansin niya na nakatingin lamang ako sa kanya. Nang tignan ko siya sa likod ay mukha siyang confused. Marahil ay hindi niya yata naiintindihan ang sinasabi ko. Inglesero siguro. Pero mukhang masungit. Base sa kung pano siya nagsalita, mukhang katulad siya ng karamihan na mayayaman, mapagmataas.
"Ahm..ser, wer to?" Wer will I take you?" Tanong ko. Sinadya ko na patigasin ang pag-english ko dahil nga't hindi ko naman kailangang pagandahin ang pagsasalita ko.
Tumingin ulit ako sa rearview mirror at nakita kong napapangiti ito.
'Huh? May mali ba sa sinabi ko? Tama naman yung pag-'english' ko ah. Imposibleng may mali.'
"Take me wherever you want, it's okay with me." Nakita ko pang tumaas ang isang sulok ng labi nito.
'Aba! Mukhang maliban yata sa may iba sa ugali niya ay medyo parang ang bastos 'tong....'
Nakakunot na ang noo ko. Parang may hidden meaning ang sinabi niya eh. Nagsisisi na talaga ako na namasada pa ako. Minsan kasi nakakainis din iyong mga ganitong pasahero. Akala mo ay puwede na lang sila magsasabi ng kung anu-ano na gusto nilang sabihin sa'yo na para bang alalay ka nila. Tinatanong mo naman ng maayos, sasagutin ka ng wala sa katinuan. Medyo nakakainis rin.
"Dude, I was just joking okay? Stop frowning." Nakangiting sabi niya sa'kin.
Nakita yata nito ang ekspresiyon ko sa rearview mirror.
"Ah...see..mabuti naman kung ganoon, kasi kung talagang hindi ka nagbibiro baka natadyakan na kita." Pabulong kong sabi.
"Huh?"
"Wala ho boss, I just want to ask you again if wer are you going bekoss look at the metro, sir, if you don't tell me wer I will take you, the taxi meter will keep going high." Pagpapaliwanag ko sa hindi muli na natural ko na pag-i-ingles. Maliban sa magmumukhang siga ako sa ganoong pananalita ay gusto ko rin kasi minsan na ginagaya kung paano sina Ray magsalita pag nag-i-English. Haha.
"So what? It's as if I can't afford the taxi fare. I can even buy this taxi too if I want to." Kibit balikat na komento nito.
Wow naman!
Ang yabang grabe!
Di pa man din umaandar ang taxi ko, at naaadjust ang temperatura ng aircon nito pero para bang lumakas ng sobra yung HANGIN!
BINABASA MO ANG
Driven By Love - Vince (COMPLETE)
RomanceNadine used to be rich...ngunit nagkaroon ng isang masalimuot na pangyayari na siyang dahilan kung bakit isa na lamang siyang taxi driver. Maaari pa nga siyang tanghalin bilang "Reyna ng Kamalasan" sapagkat halos lahat na lang yata ng minamahal niya...