"Surprise, Ma! Happy 25th wedding anniversary sa inyo ni Papa!"
The young woman was beaming brightly as she extended her arms to hug the old couple who were speechless and shocked by her sudden appearance.
"Did I surprised you, Ma?" Pukaw ng dalaga sa mag-asawa.
Lea and Hernan chuckled then nodded their heads.
Tuwang-tuwa naman si Kristel dahil patok na patok ang aktingan ng Papa Hernan niya. Kunwari pa itong walang alam, e ito ang ang mastermind. Pero syempre, secret lang nila 'yon.
"P-Pa'no mo nalaman ang okasyon ngayon?" Tanong ni Lea.
Gumuhit ang tusong ngisi sa labi ng dalaga at saka lihim na nag-thumbs up sa Papa Hernan niya.
"Secret," she muttered, "nasaan po si Jeric?"
Wala sa sariling itinuro ng mag-asawa ang kusina.
Lea and Hernan shared a look. Nagtatalo sila gamit ang mga mata. Parehas na nagtatanong kung may kinalaman ba ang isa't isa sa surpresa kuno ng dalaga. And when they both shook their heads, realization dawned into their system.
Teodomero!
Their eyes bulged in wide. Mabilis nilang tinakbo ang distansiya mula sa pintuan patungo sa kusina ngunit huli na ang lahat.
Kristel was standing stiffly at the kitchen door. Her eyes never leave those enthralling and beguiling dark brown ones.
Professor. It's been so long since she uttered that word.
Although intimidating, Kristel never back down. She held her ground. Hindi siya ang unang puputol sa paligsahan ng titigan nila ng Propesor ngunit nabigo siya.
"Ah! Ikaw 'yon!" Basag ng dalagang si Jeneca nang maalala kung sino ang bagong dating na bisita.
Kristel scowled at the woman. Her eyes flared when she remembered who she was. She was the same woman who was with the Professor at the plaza!
So she was not hallucinating at all. It was the real Professor!
Are they really a couple?
Bahagyang nagtagis ang bagang niya nang bumulong ang dalaga sa Propesor. Gusto niya itong hawakan sa kwelyo at saka hilahin palayo sa Propesor pero anong karapatan niya?
Kristel could just observe the two. Panay ang bulungan ng dalawa at sa harapan pa talaga niya!
She was trying her best to act as if she and the Professor were not acquainted but how, kung panay ang titig nito sa kaniya?
A small gasp escaped from her mouth when foot touched hers. Pasimple niyang pinaningkitan ng mata ang Propesor na nasa tapat pero ang gunggong ay patay-malisya naman. Kristel grit her teeth, alam niyang sinasadya ng Propesor ang paglalapat ng mga paa nila. Tumikhim ang dalaga kasabay ang pasimpleng pagsipa sa paa ng binata bagay na naggawa ng ingay sa ilalim ng lamesa.
"It's me," kaagad na pag-amin ni Teodomero, "I was just stretching my long legs. Excuse me."
Kristel scoffed inwardly. Palusot pa! Inirapan niya ang binata ng magtagpo ang kanilang mga paningin at saka itinuon ang buong atensyon kay Jeric na nasa kaliwang upuan katabi ng Propesor.
"So, naging Teacher mo si Kuya?" Tanong ni Jeric na tinanguan lang ni Kristel. "Wait, edi ikaw 'yong Kristellaine Ruiz, Ate?"
Hearing her full name, everyone became alerted. 4 pairs of eyes were now staring at Teodomero, demanding an explanation.
"What? I was a Teacher." Teodomero cleared his throat. "I'm supposed to keep my students' papers."
"Pero puro kay Ate Kristel lang 'yong mga papel na nakita ko sa kwarto mo, Kuya. Pinanggatong mo na 'yong ibang mga papel-" Jeric immediately shut his mouth when his eyes met the deathly glare his brother was throwing him. "Ma, ang sarap pala ng mansanas sa chopsuey. Da-best ka talaga!"