Teodomero tried to talk to Kristel but the woman was not opening the door for him. It's been an hour since she turned her back and he's getting worried. Hindi niya alam kung anong pinag-usapan ng dalawang dalaga bago siya dumating kaya mas lalo siyang naguguluhan sa paghingi ng tawad ni Kristel. Pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan pero walang isyang maisip na maaaring makapagpagalit sa dalaga.
Frustrated niyang naihilamos ang mga palad sa mukha. Muli siyang tumayo sa pagkakaupo sa sahig at saka sinubukan muling katukin ang nagkukulong na Kristel.
"Please talk to me, Chipmunk," pagmamakaawa niya.
Malapit na siyang mawalan ng bait. He waited a lot of years to get the chance to be with Kristel, it's too early for things between them to go south! He was about to knock again for God knows how many times when a muffled thud was heard from the other side, fueling the worrywart inside him.
"Kristel?! Kristel, open the door!"
Buong lakas na hinahampas ng binata ang pintuan pero sadyang hindi siya maririnig ng dalaga may ibang bagay na nakakuha ng atensyon ni Kristel, si Jeneca.
"How did you enter?" Tanong niya habang pinupunasan ang basang pisngi.
Humagikgik si Jeneca at saka itinuro ang bukas na bintana.
"Are you crazy! What if you get into an accident?"
Nagkibit-balikat ang kaharap.
"Edi patay."
"What?!" Kristel was looking at the woman as if she's crazy.
"Kanina pa kumakatok si Teodomero pero hindi mo kami pinagbubuksan, buti na lang nakita kong may hagdan 'yong bintana ng kwarto mo."
Kristel shakes her head in disbelief.
"Look, I swear nothing happened between us. Nag-stay lang ako rito dahil sa bagyo, that's it."
"Bakit ka ba nagpapaliwanag? Hindi ko naman tinatanong kung bakit ka nandito." Humaba ang nguso ng dalaga. "Baka ikaw ang may maling pag-aakala."
Kristel frowned. If her memories served her right, nasabi sa kaniya noon ng Mama Lea niya ang patungkol sa kasal ng Propesor at ng kaharap niya. Impossible namang magsinungaling ang Mama Lea niya.
"Aren't you and the Professor getting married?" Bumukas ang pagkagulat sa mukha ng kausap. She sighed, "Huwag kang mag-alala, hindi ko pipigilan ang kasal niyo-"
"Bakit hindi?"
Sa pagkakataong ito, nanahimik si Kristel. The frown on her forehead deepened. The woman was looking at her as if she just heard the biggest joke ever.
"Akala ko pa naman kaya ka nandito dahil tutulungan mo kami ni Teodomero na itigil 'yong kasal." Nagkamot ito ng batok na para bang nahihiya. "Sa totoo lang, gusto ko si Teodomero noong una pero tigasin siya kaya ayaw ko rin namang ipilit ang sarili ko. At saka..." Humawak ito sa tiyan niya dahilan para manlaki ang mga mata ni Kristel. "Sshh ka lang muna ha, baka katayin ako ng Itay kapag nalaman niya ang tungkol dito."
Kristel's mind was blown. Palipat-lipat ang tingin niya sa mukha ng dalaga at saka sa tiyan nito.
"W-Who?"
Jeneca leaned over her ears to whisper something that made her sanity fly away. Nanghihina ang tuhod na napaupo sa sahig si Kristel, kaagad naman siyang dinaluhan ng babae.
"Okay ka lang?" Jeneca asked.
Kristel glared at the woman.
"You think after dropping that bomb, I am okay?" She asked back, sarcastically.