Hindi pa rin tanggap ng dalaga ang pagkatalo niya. Nagmamaktol na bumaba ng truck si Jeneca at saka tinapunan ng masamang tingin ang pangisi-ngising lalaki.
Nagpustahan kasi silang dalawa ni Teodomero. Kung sino ang may pinakamaraming benta ng itlog ay siyang ililibre ng may maunting benta. Unfortunately for her, the man has a natural skill for a salesman. Hindi niya matanggap na natalo siya sa sariling negosyo!
Inirapan niya ang binata nang magtagpo ang mga paningin nila. Hindi na nalalaglag ang panty niya sa ngiti ng binata. She can now proudly say na hindi na siya marupok tulad ng dati.
"Ako na lang ang pipila," imporma sa kaniya ni Teodomero nang makita ang mahabang pila.
"Aba! Dapat lang! Anong gusto mo, ako pa pumila para sa'yo? Ano ka sinuswerte? Ililibre ka na nga, gusto mo pa ang treatment sa'yo pang disney princess?"
Teodomero chuckled then raised his hands in concession.
"Oo na, wala na akong sinabi." Masuyo niyang iginiya sa malilom na parte ang dalaga at saka pumila para bumili ng meryenda nilang dalawa.
Ilang minuto lang din naman ang hinintay ni Jeneca ay dumating na ang buraot na binata.
Simula nang magkausap sila ng maayos ay paunti-unti na niyang natanggap na hindi sila ang para sa isa't isa. They are now good friends. Ang problema na lang ngayon ay kung papaano nila sasabihin sa Itay ang tunay nilang relasyon.
"Hoy," pagkuha niya sa atensyon ng binata, "susubukan ko nang sabihin sa Itay 'yong tungkol sa kasal natin. Sa tingin mo maniniwala siyang magkaibigan na lang tayo ngayon?"
Nagkibit-balikat si Teodomero.
"Gusto mo samahan kita? You don't need to face your Father alone."
"Hindi na, baka makatay ka pa ng Itay," humugot siya ng malalim na hininga, "basta ba kapag pinalayas ako, makikitira ako sa bahay niyo."
Teodomero chuckled, "Why not tell him the real reason why you wanted to cancel our wedding? I mean, except for being friends with me. You know, tell your 'Tay about 'him'." Suhestiyon niya pa.
"Gusto mong katayin ako ng Itay?!" Malakas ang boses na tugon ng dalaga. Hinampas nito ang balikat ng katabi at saka mahaba ang ngusong bumulong. "Ano na lang sasabihin ng mga magulang mo kapag sinabi ko 'yon?"
"Wala namang masama. As long as your feelings are real, maiintindihan ka nila."
"Kahit pa." Jeneca played her food. "Inaalala ko rin ang kalusugan ng Itay. Baka ma-highblood siya."
Teodomero pat Jeneca's head before giving her a warm smile.
"That's why you need me by your side. Don't worry, I won't leave you alone."
Matagal siyang tinitigan ng dalaga. Natawa naman si Teodomero nang makita na lukot na lukot ang hitsura ni Jeneca.
"Kadiri ka pala 'no? Buti na lang hindi na kita type." Pabalang nitong tinabig ang kamay ng binata sa ulo. "Huwag mo akong hawakan, nangingilabot ako sa'yo."
"What? I thought my touches are your weakness? I'm hurt, Jen." Teodomero teased. He even grip his chest to spice up his drama.
"Hurt, hurt. Masasaktan ka talaga kapag tinusok ko 'tong toothpick sa mata mo! Bitawan mo ako! Kadiri ka!" Pagtaboy pa ni Jeneca ngunit humalakhak lang ang binata at pinagpatuloy ang panunukso sa kaniya.
People are starting to look at them. Siguro sa tingin ng mga ito ay may relasyon sila ng binata. Kung dati pala sana ay ganito na ang pakikitungo sa kaniya ng binata ay baka hulog na hulog na siya, pero walang ibang ginawa noon si Teodomero kundi ang magpakipot!