"I think I'm more of a help to Jeric. Uuwi na lang ako at mag-aararo," Hernan said but his wife was quick to stop him.
"Leave and I'll cut off your dick."
"On second thought, I want to be with my mi amour and unico hijo for moral support. I am a strong father, you should take after me, son." Kaagad na bawi ng Ama na ikinailing na lamang ng mag-ina.
Lea held her son's hand then squeezed it lightly.
"Shall we?"
Teodomero just nodded. Inalalayan niya ang Ina paakyat ng hagdan kahit pa panay ang reklamo ng Ama niya dahil gusto nitong siya ang humawak sa asawa. Hernan was murmuring but immediately shut his mouth when he saw Jeneca's Father who happened to be their Barangay Captain.
"Magandang umaga ho, Kap." pagbati ni Teodomero.
Hindi naman siya pinansin ng Kapitan bagkus nilingon nito ang Ama na ngayon ay nagtatago sa likod ng asawa.
"Wala na bang tama ng alak 'yang asawa mo, Lea? Ayaw kong makipag-usap sa taong wala sa tamang huwisyo." Istrikto ani ng Kapitan.
Lea gave the old man a perfunctory smile.
"Kayo ho ba? Nasa tamang huwisyo rin ba kayo?"
"Anong—"
"May inuman sa bahay nina Aling Karen, impossibleng wala kayo ro'n. Rinig na rinig ko ho ang boses ninyong bumibirit sa karaoke, Kapitan." Lumapad ang ngiti sa labi ng ginang. "Magandang umaga ho pala."
The old Captain's wrinkled face blushed. Tumikhim ito at saka nilawakan ang pagkakabukas ng pintuan.
"Pasok, kanina pa naghihintay si Nelfa sa inyo." aniya na ang tinutukoy ay ang asawa.
Pumapangalawa si Lea sa pagpasok sa bahay ng Kapitan, sa tabi nito ay ang asawang si Hernan na mahigpit ang kapit sa braso niya na animo'y batang madaling maligaw, nasa hulihan naman si Teodomero.
"Magandang umaga, maupo kayo." Masuyong bati sa kanila ni Nelfa kasabay ang pag-alok ng upuan sa magpapamilya.
Si Lea ang unang nagsalita, "Magandang umaga, Manang Nelfa nandito po sana kami para pag-usapan ang napagkasunduan ng mga asawa natin. Pasensiya na ho kayo pero wala ho kaming karapatan ni Hernan pagdating sa buhay pag-ibig ng anak namin. Ayaw ko po siyang pilitin sa mga bagay na hindi niya naman gusto. At isa pa, lasing ho ang mga mister natin nang pag-usapan nila ang bagay na 'yon. Kung mamarapatin ninyo, nais po naming humingi ng tawad—"
"Pa'no ba 'yan e naayos na namin ang kasal sa munisipyo. Malaki-laki ring halaga ang nagastos ko do'n." Labas sa ilong na sabat ng Kapitan na si Janel.
"I can compensate, just name the price." Hernan intervenes.
Mahinang napailing ang ginang.
"Hindi naman pera ang problema, Hernan. Nasaktan ang anak namin nang dahil sa pangakong binitawan mo sa pagitan ninyo ni Janel. Alam kong may mali rin ang asawa ko kaya gusto ko ring humingi ng tawad para sa kaniya."
"Nelfa!" Bulalas ng Kapitan. "Hindi ka dapat humingi ng tawad sa kanila! Sinaktan nila ang anak mo!" Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa gawi ni Teodomero. "Nakaayos na ang kasal. May petsa na at napaabisuhan ko na ang Mayor sa bayan. Hindi ka na pwedeng umatras, hijo."
"Hindi naman yata po tama iyon, Kapitan." Tumayo mula sa kinauupuan si Lea pagkatapos ay nakangiting hinarap ang matandang lalaki. "Kung ang Mayor ho ng bayan ang problema, ako na ho ang kakausap sa kaniya. 'Yong mga ginastos mo? Ibabalik namin ng buo at walang bawas."
Teodomero intervene. "Pwede ko ho bang makausap si Jeneca?"
Everyone looked at him. His Mom was giving him a questioning look but Teodomero didn't budge. Matapang niyang sinalubong ang tingin ng matandang ginang na kapagkuwan ay masuyong tumango.