Chapter 28 - La Familia

31K 416 102
                                    

Wooshu! At dahil maganda naman ako, at maganda rin naman kayo eto mag-uupdate na ako xD Mahal na araw kase ngayon, kaya dapat nagmamahalan tayong lahat. Eh mahal ko kayo, kaya nagUD ako kaagad xD

Dedicated kay JuliannaBeatrize, naloloka ako sa malanobela mong mga comment. Masyado akong natatouch! Hahaha

______________________________________________________

“Passengers of Flight 2626, I’m sorry to inform you that your flight will be delayed due to a typhoon in The Philippines. Please wait for our further annoucements. Thank you!”


Napakamot na lang ako ng ulo. Wala naman akong magagawa eh, dagdag Badtrip! Badtrip na nga ako kanina, dadagdag pa to?! Naiinis kase ako sa tatay ko eh, nagalit ba naman saakin kesyo daw binulyawan ko daw si Aria, sinaktan ko daw si Aria. Heh! Peste!  Sa isip ko nga lang sinusumpa si Aria eh, sayang lang effort kong magpigil kung papagalitan din naman pala ako!

Kinuha ko muna yung headphone at ipod ko at nagsaoundtrip muna ako. Masyado akong nastress sa mga nangyari sa Bahamas, at ayoko na balikan ang lugar na yun. Nagdadalawang isip na rin akong sumama sa mga family vacation namin kung sakaling meron pa. Kilala ko ang mga magulang ko, maraming kakilala yan na gustong ipakasal saakin yung mga anak. Baka mamaya maulit nanaman yung nangyari sa Bahamas, na sinet up pala nila yon para paglapitin kami ni Aria.

Makalipas ang isang oras, wala paring announcement kung anong oras matutuloy ang flight kaya naisipan kong lumabas muna ng airport ang maglakadlakad. Habang naglalakadlakad ako may nadaanan akong boutique. Unang tingin ko pa lang naisip ko na kaagad si Kath. Yung mga tinda kase sa boutique na yun ay mga paboritong gamit ni Kath. Tulad nung mga vintage necklace, artwork shirts, at iba pang accessories na pang Tumblr ang dating. Basta ang gaganda. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok.

Pumunta muna ako dun sa mga necklace. Kumuha ako ng iba’t ibang klase. Merong TV, camera, Mustache, Piano, at marami pang iba. Napangiti ako habang iniisip yung magiging reaction ni Kath, panigurado magugustuhan niyo ‘to. Sunod ko naman pinuntahan yung Shoes section, may nakita akong Converse at Vans na galaxy yung design. Nagandahan ako pero hindi ko sigurado kung trip ni Kath yung mga ganito. Napakibit-baliakat na lang ako at inilagay yun sa basket.

Papunta na sana ako sa cashier nung mapadaan ako sa mga hoodie. Nahagip ng mata ko yung color gray na One direction. Naalala akong nakwento saakin ni Kath na gustong-gusto niya yung nakita niyang 1D na jacket sa Tumblr niya, kaso di daw niya alam kung saan bibili. Kaya eto na, Ako na ang bahala!

Pagkatapos kong bayaran lahat ng binili ko, bumalik na ako sa aiport. At sakto naman tinawag na yung flight namin. Inilagay ko muna sa backpack ko yung mga pinamili ko at nagpunta na rin kaagad ako sa departure area. Hindi ko na maialis sa mukha ko yung ngiti, excited na akong makauwi ng Pilipinas. Miss ko na silang lahat, lalong-lalo na si Kath.

Habang nasa eroplano ako, natulog na lang ako. Paguwi kase sa Pilipinas, hindi ko na makukuhang magpahinga kase nga paghahandaan ko na yung surprise ko kay Kath. Sana pakinggan niya ako. Sana mapatawad niya ako. Sana bumalik na kami sa dati.

***

Paglabas na paglabas ko sa airport nakita ko kaagad si Yaya, kaway ng kaway. Namiss ko rin ‘tong si Yaya!!

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon