Hindi nagtagal, natapos na rin yung restaurant ko. Aaminin ko, napabilib ako ng architect na kinuha ni mommy, kahit na hindi ko siya feel, magaling siyang magplano at pulido yung mga gawa ng workers niya. I salute him for that!
Nandito kami ngayon sa restaurant. tonight na yung grand opening. Taray no? 'Grand' talaga? Syempre, marami kasing tao ang naghihintay sa pagbubukas nito. Like my college teachers and friends. Ako daw kasi ang unang nakapagtayo ng sariling business sa batch namin.
Full support silang lahat saakin. Nandito ang family ko, pati na rin ang mga Padilla. then later dadating yung mga friends ko. Excited na ako :">
"Kath, okay na ba yung loob?" tanong ni nanay
"Opo, nay. nakaready na po lahat"
tumango siya at niyakap ako, "Proud na proud ako sayo anak!"
"Thanks po, nay!"
"Sige, nak. papasok muna ako sa loob. tutulungan ko na si Dae sa pag-aayos nung mga ihahain mamaya"
tumango ako, "Sige po"
humigop ako ng onti dun sa kape ko at sumandal ulit sa upuan. nakatambay ako ngayon sa terrance ng resto. Nagpagawa talaga ako ng ganito sa second floor. Masarap kasi yung simoy ng hangin sa lugar na 'to, tapos medyo mataas siya kaya malamig, masarap magrelax.
Oo nga pala, nakalimutan kong banggitin. Si Daezen yung assitant chef ko. Siya ang inassign ko sa kitchen kapag wala ako. which is mapapadalas kasi sabi ni Ate ipapadala daw niya ako somewhere in Europe para sa business partnership namin sa isang company doon.
Medyo hassle. Nakakapagod din, pero masaya naman.
*ring ring*
"Hello?"
[Kaaaaattthh!! omg! congratulations!]
inilayo ko ng onti yung phone sa tenga ko kasi sobrang lakas ng bunganga nung nasa kabilang linya
"Okay na? Kalma! wala kang kaaway!"
[We are so proud of you bebe girl!]
"Thanks Julia! kamusta naman kayo jan?"
[Ako, ayos lang naman. Ako na nga pala yung namumuno sa lugar namin. Mahirap pero naeenjoy ko naman]
"Naks naman! mas proud ako sayo!"
[Eh saakin di ka proud?]
"Omg! Syyyydd! namiss kita!"
BINABASA MO ANG
My Yaya's Daughter
Fiksi Penggemar"Kahit anong mangyari... Kahit sino pang babae ang iharap saakin... Kahit pa kunin na lahat ng materyal na bagay saakin... Kahit na halos itakwil na ako ng tatay ko.. ..I will never give up on My Yaya's daugther" - Daniel Padilla