Chapter 50 - Finally

21.8K 269 72
                                    

Maraming salamat sa mga nag cheer up saakin :"> labyouall!

________________________________

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko.

Nagkusot muna ako tsaka ko kinapa yung phone ko.

“Hello?” medyo aantok-antok pang sagot ko

[D-dj! Ke-kelan ba balik niyo?]

Napakunot yung noo ko, "Syd? Umiiyak ka?"

[b-bumalik na kayooo. P-pleasee]

Nagising yung diwa ko nung nakumpira kong umiiyak talaga si Syd, “Huh? B-bakit?”

[Dj! Nagkakagulo na di-to. Nabuking na kami]

“Ano?!” sa sobrang gulat ko, napasigaw ako.

Kaya naman nagising yung kambal

[please. Bumalik na kayo. Takot na takot n----- *toot toot*]

“Dj, why?” tanong ni Mara

Lumapit ako sakanila, “Mara, kailangan na daw natin bumalik sa Germany, nagkakagulo na daw kase nabuking na sila!”

Nanlaki ang mga mata ni Mara

“Sige na. Bumalik na kayo” Julia

Tumingin sakanya si Mara, “Pero hindi siya basta basta makikinig saakin. Mas maganda siguro kung ikaw ang magsasabi!”

“Oo, Julia. Ikaw ang mamilit sa mommy niyo” dagdag ko pa

Dahan dahan namang tumango si Julia, tumingin siya sa relo niya, “It’s already 6am. Gising na si mommy” tumayo na siya mula sa kama niya, “Kakausapin ko na siya. Dito lang kayo” tapos lumabas na siya ng kwarto.

Tumingin saakin si Mara halatang kabado siya, “Pano yan? Di ko pa natutupad yung promise ko sayo?”

Napakamot ako ng ulo, “De bale. Marami pang next time, kung kami talaga eh kami talaga!”

Ngumiti siya, “maiwan ka na lang dito, ako na ang bahala doon”

Tumango ako, “Salamat!”

Maya maya pa nakarinig kami ng footsteps

“Mara, anak, halika na!” aya ng mommy niya

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon