Chapter 5

38.2K 489 25
                                    

“Nandun sa kwarto niya, naka-idlip ata eh”



“Sige puntahan ko lang” umakyat ako sa kwarto niya

*tok tok*



Binuksan niya yung pinto

“Ma!!” sigaw niya at niyakap ako

“Happy Birthday anak!”



“Ma, buti nakarating ka!!!” at bumitaw siya sa pagkakayakap

“Syempre. Gagawin ko ang lahat para sayo”



Ngumiti siya “Ma, kain ka muna”



Hinawakan niya yung kamay ko at nagpunta kami sa dining room. Ang daming handa, masisira ang diet ko L



Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami at nagke-kwentuhan kami.

Maya-maya pa’y nag-text na si Daniel. Hudyat na iyon para balikan ko na siya sa mall. Nakakainis man na kailangan ko ng umalis. No choice pa rin ako

“Ahmm, anak. Kailangan ko na ring umalis ah”



“Ang bilis naman po” malungkot niya sabi

“Pasensya na talaga anak ah”



“Sige ma. Okay lang” nagbeso-beso na kami at bumalik na rin ako sa mall

8:00pm, nakarating ako sa mall. Pumunta ako sa Starbucks, eh sabi kasi ni Dj dun daw kami magkita.

Paupo pa lang sana ako ng biglang may tumawag sakin

“Ate Min!!!”


My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon