Chapter 35 - Entrance exams

26.3K 291 40
                                    

Nagbabalik ang maganda!!! Did you miss me? No? k payn! Hahaha jk!

______________________________________________________

*Daniel’s POV*


“Buti naman at naisipan mo pang umuwi,” bungad saakin ni mama pagkapasok ko ng bahay, “Saan ka nanaman ba nanggaling? At dinamay mo pa talaga si Syd?”


Kinunotan ko siya ng noo, “Anong dinamay?”


“Tinext niya mommy niya na kasama ka niya,” pagtataray ni mama, “If I know, si Kathryn talaga ang kasama mo!”


Napakamot na lang ako ng ulo. Psh, yun lang pala! “Actually, kasama talaga namin si Syd. Friends na nga sila ni Kath eh.”


Parang nagulat siya, pero agad din namang siyang nagbawi, “Kahit na! Kasama mo pa rin si Kath! Kelan pa papasok jan sa utak mo na ikakasal ka na sa ibang babae?! Pwede bang iwanan mo na si Kath?!?”


Putris! Kaya ayokong umuwi eh! Ang init na ng panahon, ang init pa ng ulo ng nanay ko. Idagdag mo pa yung hotness ko! Shit!

“Kelan ba kase papasok sa mga utak ninyo na ayokong magpakasal sa ibang babae!” sigaw ko sakanya, “Sige, pagod na ako!”


Pumaik na ako sa kwarto ko kahit dumadada pa din siya. Sarap pasakan ng ref yung bibig!

Pagkapasok ko sa kwarto ko, hinanap ko kaagad yung mga libro ko. Hinde, wala akong sakit! Gusto ko lang talagang mag-aral. Kase bukas na kami magsastart ng entrance exam sa universities. So kung saan mag-eexam si Kath, dun din ako mag-eexam. Kailangan kong maipasa lahat para kung saan man yung pinili ni Kath, makakapasok din ako dun!!

“Aissh! Ano bang course kukunin ko??” tanong ko sa sarili ko, “Bahala na!”


Binuklat ko na yung mga libro ko at nagbasa-basa. Inuna kong yung Math, tapos Science. Medyo boring! -_-

*Bzzt bzzt*


Napabangon ako nung nagvibrate yung phone ko.

“From: Kath ko

Uy! Asan ka na? Nandito na kami sa simbahan!”


Napatingin ako sa labas, Shoot! Hapon na pala, nakatulugan ko yung mga binabasa kong libro!

Dali-dali akong kumilos, nakakahiya! Nasa simbahan na sila, ako yung late! Arghh! Kung naitatanong niyo kung bakit nasa simbahan si Kath... well, ikakasal na kase kami!

Patatas! De joke lang, magsisimba lang kami. Haller, Sunday kaya!

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon