Chapter 38 - The Reason

23.2K 309 73
                                    

Sorry sa mababasa niyo sa chapter na to! xD peace yoo!

________________________________________

“Mag-usap tayo”

Kinabahan ako ng todo nung narinig ko yung sinabi ng mommy ni Dj. Bakit naman niya ako kakausapin?

“Sumunod ka saakin”

Napalunok ako at nagdecide na sumunod na lang. Wala rin naman akong mapapala kung tatayo na lang ako dun diba?

Nakarating kami sa garden. Habang naglalakad ako feeling ko malalaglag yung puso ko sa sobrang kaba.

“Maupo ka”

Nakakahalata na ako! Ginagawa akong robot! Sinunod ko naman yung sinabi niya. Nung una tahimik lang kami, inaantay kong magsalita si Tita Karla.

“Kath, gusto ko humingi ng pabor sayo,” nagulat ako nung hinawakan ni tita yung kamay ko, “sana mapagbigyan mo ako”

Di ako umiimik nakatingin lang ako kay tita

“Sorry kung hindi ako naging mabuting ina kay Daniel. Sorry kung ipina-arrange marriage namin siya kahit alam kong may girlfriend siya.” Ramdam ko yung sincerity ni tita, “I used to like you for my son, pero sorry..”

Gusto ko magreact pero walang lumalabas sa bigbig ko

“Kath kailangan ko si Daniel. Kailangan siya ng kumpanya. Kailangan siya ng pamilya namin..” iba ang tono ng pananalita ni tita ngayon kumpara mo sa kagabi. Parang lungkot na lungkot siya ngayon.

Napakunot yung noo ko

“Kath, ibinababa ko na ang sarili ko. Ako na ang nagmamakaawa sayo, hiwalayan mo na si Daniel” hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko pero hinila ko ito

“Sorry po, pero hindi ko kayo mapapagbigyan” binigyan ko siya ng pekeng ngiti at akmang tatayo na pero nagulat ako sa ginawa ni tita.

Lumuhod siya sa harapan ko

“Nagmamakaawa ako sayo Kath,” pakiusap ni tita, “siya na lang ang sulusyon”

“Ano naman pong connect ng relasyon namin sa kumpanya? Nakakaapekto po ba? Hindi naman ah! Wala naman kaming ginagawang masama!” medyo tumaas na yung boses ko

“Meron, hindi niyo lang alam” bulong ni tita

“Sige nga. Ano?” parang nanghahamon kong tanong

“Nakulong sa Germany ang lolo ni Daniel,” paguumpisa niya ng kwento, “Ito’y dahil napatay niya ang asawa ng kapatid ng hari. Ngayon, binigyan nila kami ng kundisyon. Gusto nilang mapunta sakanila ang 50% sales ng kumpanya, syempre mahirap para saamin yun. Dugo’t pawis ang inilaan namin sa kumpanyang iyon tapos mawawala saamin yung kalahati..”

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon