Chapter 43 - Weird dream

22.4K 212 61
                                    

Alam niyo ba, nauntog ako sa kahoy na upuan. naalog ata utak ko kaya pag pasensyahan niyo 'tong UD ko xD

play --->

___________________________________________

...tumaktakbo ako.

Takbo lang ako ng takbo....

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung nasaan na ako.

Basta ang alam ko, mag-isa lang ako.

May naririnig akong sumisigaw. Hindi siya ordinaryong sigaw. Para bang humihingi ng tulong..

Lumilinga-linga ako sa paligid pero puro puno lang ang nakikita ko. Iniisip ko nga na nasa Twilight ako eh.

May umiiyak. May naririnig akong umiiyak...

Tumakbo ako ng mas mabilis dahil sa sobrang takot.

And pinagtataka ko lang, sa sobrang layo na ng natatakbo ko. Ni hindi man lang ako nakakaramdam ng hingal.

“Kath...”

Mas lalo akong kinabahan nung may tumawag saakin.

Napakapit ako sa isang puno

“Sino ka?”

Naramdaman kong biglang humangin ng malakas.

..ang lamig.

“Kath..”

Kinilabutan nanaman ako sa muling pagtawag niya ng pangalan ko.

“wag kang matakot, sundan mo ang boses ko..”

Napalunok ako.

Unti-unti akong bumitaw sa puno at sinundan yung boses.

Habang naglalakad ako, parang may mga kumikilos ng mabilis sa tabi ko.

Pakiramdam ko bigla na lang ako haharangin ng mga bampira tapos kakagatin ako!

Napapikit na lang ako sa mga naiisip ko.

“Sige lang, malapit ka na...”

Mas binilisan ko yung paglalakad ko...

napakunot yung noo ko nung unti-unting dumilin ang paligid.

Kanina parang madaling araw lang, tapos ngayon parang hating gabi na.

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon