*poke poke*
nagising ako nung naramdaman kong may kumakalabit saakin. Medyo dinilat ko yung mga mata ko para makita kung sino yun, at napangiti na lang ako nung nakita ko siya <3
Nagpanggap pa din akong natutulog.
maya maya, naramdaman kong hinahaplos niya yung pisngi ko. pinilit kong magpigil ng kilig. sa bawat haplos kasi niya, ramdam ko yung pagmamahal at care niya.
"Ang ganda ganda naman ng fiance ko!"
Napangiti ako sa sinabi niya.
Enebeyen, ang aga aga pinapakilig na niya ako!
maya maya pa, naramdaman kong may tumabi saakin at niyakap ako ng mahigpit. at may bumulong saakin ng, "Wag kang matakot. kasi kahit pagtulog mo, nakabantay ako. Nandito lang ako para sayo, kath"
Hindi ko na napigilan at dumilat na ako, "Ang aga mo namang magpakilig!" sabi ko tapos pinisil ko yung ilong niya.
"Goodmorning, Kath ko!"
nginitian ko siya, "Goodmorning, Daniel ko!"
niyakap niya ako ulit bago siya bumangon, "Kilos na! aalis tayo"
napakunot yung noo ko. Alam ko kasi day off ko ngayon kaya sa bahay lang ako. pero, aalis?
"Saan naman tayo pupunta?"
ngumiti lang siya, "Basta! kumilos ka na. antayin kita sa baba"
tumango na lang ako. nagstreching muna ako bago tumayo. kahit medyo inaantok pa pinilit kong makabangon. I think I need to spend time with Dj naman ngayon, these past few weeks kasi puro work ang inaatupag namin. Its time to relax with my love muna ngayon.
After kong maligo, nag-apply ako ng very light make up. floral dress at doll shoes na lang ang sinuot ko. tas naka-bun yung buhok ko. tinatamad na kasi akong mag-ayos.
Paglabas ko ng kwarto dumiretso na ako sa dining area. panigurado naman kasing nandun si Daniel, kundi lumalamon. kumakain xD
At tama nga ako, nagaalmusal na siya with my sisters. dun na lang ako sa tabi niya umupo.
"Nasaan si nanay at mommy?" tanong ko habang kumukuha ng fried rice
"May imemeet daw silang organizer? Ah basta umalis!" Ate Steffi
nagnod na lang ako
After namin kumain. umalis na rin kami kaagad, nagcall kasi si mommy. i meet daw namin sila sa plaza mall.
BINABASA MO ANG
My Yaya's Daughter
Fanfiction"Kahit anong mangyari... Kahit sino pang babae ang iharap saakin... Kahit pa kunin na lahat ng materyal na bagay saakin... Kahit na halos itakwil na ako ng tatay ko.. ..I will never give up on My Yaya's daugther" - Daniel Padilla
