Chapter 8

37.1K 506 38
                                    

*DJ’s POV*





Andito ako ngayon sa school mag-isa. First day pa naman ng High school life ko.

Nakakainis kaso si Dria eh. bigla-bigla na lang mawawala. Miss ko na siya. Asan na kaya siya? Babalikan pa kaya niya ako?

“Dj! Bat ang lungkot mo nanaman?” tanong nung classmate kong si Alliah

“Wala ka na don!!”




“sungit mo naman! may dalaw ka? Concern lang naman ako sayo eh”




“Alis ka na nga!!”




“Di ako aalis hangga’t nakabusangot ka!” Hala! Yun na yon yung sinabi sakin ni Dria dati!! Aiissh! Naaalala ko nanaman siya! Potek! At dahil naalala ko si Dria, nasaktan nanaman ako. Tumayo na lang ako at dumiretso na sa classroom. Pinbayaan ko na si Alliah.

Agad rin namang dumating yung teacher namin. bored na bored na ako! Di ko naman naiintindihan yung mga sinasabi niya eh >.<

Nagtaas ako ng kamay “Ms. Payne, may I go out?”




“No. you may not!” sereysong sagot niya at agad na bumalik sa pagtuturo. Nyeta naman oh!

Nagsulat-sulat na lang ako sa papel ng classmate ko. Oo, ‘Papel ng classmate ko’ ako batas dito. Kung ano hingin ko sakanila. Ibibigay nila! Mga duwag eh, takot saakin :P

Nagdraw ako ng Heart, tapos napapalibutan yun ng ‘Dria’

“Who is the current president of the Philippines? Mr. Padilla” leche. Sa dinami-dami ng tao dito, ako talaga ang tatawagin >.<

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon